Chapter 8

48 3 0
                                    

KAYDEN

Kayden checked his fit in the mirror for the fifth time that night. Gusto niyang mag-leave ng magandang impression sa first formal date nila ni Jeana. Niyaya niya ito sa Elle's, ang bagong bukas na restaurant sa hotel ng kuya niya para i-celebrate ang pagbubukas ng restaurant.

Napatingin siya sa pinto nang may kumatok doon. "Son, are you in there?" rinig niyang boses ng ina.

Napangiti naman si Kayden. He can ask his mom for some advice para sa date nila ni Jeana mamaya.

He approached the door and opened it for his mom. "Hey," bati niya sa ina.

"You're dressed up, are you going on a date?" puna ni Delilah nang makita ang suot ng bunsong anak.

"Yeah, I invited Jeana on a date," sagot niya rito. Alam na rin kasi ng ina na may nililigawan siyang nurse na nakilala niya nang ma-ospital si Keilan.

"That's great! Bring her flowers later ha, at saka be a gentleman," paalala ng ina habang hinahaplos ang mukha niya.

"Yes, ma'am," nakasaludong sagot niya rito.

Ngumiti naman ang babae saka siya niyakap. "Ang laki-laki na ng baby ko. Parang kailan lang, humahabol ka pa sakin kasi aalis si mom papunta sa trabaho..."

Napailing si Kayden habang nakayakap din sa ina. "Stop reminiscing, mom, baka mapaiyak ka pa," biro niya habang nakalapat ang pisngi sa ulo ni Delilah.

Kumawala sa yakap ang mom niya at nginitian siya. "Basta, if Jeana rejects you, just remember na there's someone destined for you, anak. Baka hindi mo pa lang siya nakikilala."

"Mom, stop attracting bad vibes, baka i-reject nga ako," pagbibiro niya ulit.

Tumaltak na lang ang ina bago siya itinaboy nito pababa ng hagdan at patungo sa garahe nila. Minadali siya ng ginang para raw hindi siya ma-late sa date nila.

Natatawang nagmaneho na lang si Kayden patungo sa hotel na pagmamay-ari ni Kaylix. Katabi ng hotel ay isang condominium na pagmamay-ari naman ng mga pinsan niya. May unit din siyang nabili sa condominium na iyon, pero madalang naman niyang gamitin ang unit.

Nakarating siya sa hotel twenty minutes before ng meeting time nila ni Jeana.

He walked inside and went straight to the restaurant. Nakangiting sinalubong naman siya ng isang waiter at inihatid sa table na ipina-reserve niya.

"Just call me when you're ready to order, sir," saad nito saka lumayo sa table.

Kinakabahang umupo lang si Kayden sa table at tumingin sa may parking lot sa harapan ng hotel. Nasa second floor ang table na pina-reserve niya kaya't mas nakikita niya ang kabuoan ng parking lot.

Ilang minuto pa ay nakita ni Kayden ang isang pamilyar na kotseng pumarada sa parking. It was a navy blue Helios Sage, kotse ni Lucian.

Magtataka pa sana si Kayden kung bakit naroon ang binata nang makita niyang pinagbuksan nito ng pinto si Jeana. Pagkababa ng babae ay nakita niyang lumilingon-lingon si Lu habang naglalakad papasok ng hotel.

Nang makapasok sina Lucian sa Elle's ay nagtama ang paningin nila ni Kayden. Tumayo si Kayden para salubungin ang dalawa.

"Lu? Hinatid mo ba si Jea rito?" He asked kahit na nakita naman na niyang bumaba sa kotse ni Lucian ang dalawa.

Gears and GloryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon