LUCIAN
He can hear people talking around him, pero hindi mawari ni Lu kung ano bang eksaktong sinasabi nang mga taong iyon. Gusto niya ring magmulat ng mga mata niya pero masakit ang ulo niya, pati na ang buong katawan niya, at gusto niya na lamang matulog ulit.
Ngunit na agad pumasok sa isip niya ang pumalyang test drive, pati na rin si Aki na kasama niya sa loob ng sasakyan.
Nagmamadaling, ibinuka ni Lucian ang talukap ng mga mata niya.
Unang bumungad sa kanya ang pitong taong nakatayo sa may tabi ng kamang hinihigaan niya. Nakilala niya agad ang kwarto bilang medical department ng Helios.
Ibinuka niya ang bibig niya para magsalita pero walang lumabas na tunog dito.
Napansin naman agad ng isa sa mga nakatayo na gising na siya, kaya't lumapit ito agad sa kama. It was Denver, filled with a worried look on his face. Umiiyak din itong yumakap sa kanya.
"Red, akala ko m-mamamatay ka na," the younger man asked while he sobbed loudly.
Niyakap naman ito ni Lucian pabalik at marahang tinapik ang likod nito para pakalmahin ito. "I-it's okay. I-I'm alive," hirap na sagot ni Lucian dito.
Ramdam na ramdam niya ang pagod niya, pero mas nangingibabaw sa isip niya na napakalaking issue ng car crash kapag lumabas ito sa publiko.
Agad siyang sumenyas kay Mitch nang mapansin niyang isa ito sa mga nakatayo sa tabi ng kama niya. Kasabay nitong lumapit ang nakilala niyang doctor sa ospital na pinagta-trabahuhan ni Jeana.
Right. Kayden's family owns that hospital, isip-isip ni Lucian.
"Good afternoon, Mr. Alegre. I'm glad you're awake. There are no primary damages to your external and internal organs because the airbags immediately went to action. Nailabas din kayong dalawa ni Mr. Vera kaagad. Makaka-experience ka lang ng mild nausea every once in a while because of the impact," paliwanag sabi ng doktor.
"And how's Aki?" tanong niya rito. Binigyan naman siya ng lalaki ng tipid na ngiti.
"Mr. Vera is currently resting in the next room. He has bruises and cuts because he protected you right after the car crashed. Hindi pa siya nagigising, but, fortunately, wala namang major damages din sa internal organs niya. He's already stable and just needs rest," sagot nito sa tanong niya.
Lucian's face immediately fell. He wants to see Aki. He has to make sure na ligtas ang lalaki.
"You can see him if you want," wika ng doktor na nahalata yata ang balak niyang gawin. "Just be careful, medyo nanghihina pa siguro ang mga binti mo."
Tumango siya sa doktor bago bumaling kay Mitch. "Already told the superiors?" tanong niya rito.
Umiling ang babae. "I'm still waiting for your decision, sir."
"Good. I'll visit Aki muna before we talk about the accident. Delete any videos, shut the witnesses' mouths. Ayokong may makakalabas tungkol dito hangga't wala pa akong sinasabi," utos niya sa babae.
Inalalayan siya ni Denver na makatayo. His limbs ached a lot pero hindi niya iyon ininda at bagkus ay dire-diretsong lumabas ng kwarto niya at pumunta sa kabilang kwarto. Nakasunod lang sa kanya si Denver.
BINABASA MO ANG
Gears and Glory
RomanceLucian Jared Alegre is very contented with his life. Born in a wealthy family, loved by his parents, and idolized by his brother. What more could he ask for? He's also working as a senior engineer in a multinational, car-manufacturing company in th...