Chapter 11

47 2 0
                                    

LUCIAN

"I have a dead body with me, Ash, suicide," maikling pag-kwento niya rito. Naging tahimik lang sa kabilang linya ng ilang segundo. Marahil ay pino-proseso pa ng kaibigan niya ang sinabi niya.

"And where are you right now, Lu?" tanong nito.

"Production Site ng Helios, sa may Junkyard. I'll tell you the details later. Will you be able to come here?" Lu answered.

"I'm already on my way," tipid na sagot nito. Narinig pa ni Lucian ang pagharurot ng sasakyan nito bago patayin ni Asher ang tawag.

"He's a close friend. Police," paliwanag ni Lu sa kasama.

Tumango naman si Aki sa kanya. "Well, I gues we wait for him for now. Nothing much we can do about this on our own," sagot ng lalaki.

Makalipas pa ang ilang minuto ay humahangos na lumapit sa kanila si Manong Ben, halatang tumakbo ito ng malayo. Madilim na kaya't hindi agad napansin ng matanda ang nakahigang katawan, bagkus ay nakatingin lang ito ng diretso kay Lucian.

"Sir, may pulis po na naghahanap sa inyo sa may gate. Papapasukin ko po ba?" tanong nito.

"Ah, yes, let him in," nakangiting sagot ni Lu sa matanda.

Ngumiti naman pabalik ang matanda kahit mukhang naguguluhan ito. Umalis na rin ito kaagad.

After a few moments, Asher arrived at the scene wearing his policeman uniform. Nakasimangot agad ito kay Lucian, halatang naiinis. The guy's heterochromic eyes were peircing daggers at him.

"Anong ginawa mo't may patay kang hawak?" matigas na tanong ng lalaki.

"He sabotaged a test drive, planned to hurt us a while ago, and was about to escape. Nahuli namin siya ni Aki, but he killed himself nang tinanong namin kung sinong nag-utos sa kanya," paliwanag ni Lucian sa binata.

Asher clicked his tongue before easily carrying the dead body. "Let's go. We'll report it sa police station, then we'll put this jerk for funeral. Any reasons why someone sabotaged you?"

"Kung inutusan lang siya, malaki ang tyansa na kalaban ng Helios ang nagpadala sa kanya," sagot ni Lu.

"And did you already inform your superiors about this matter?" Ash questioned.

Lucian stayed silent. Sesermunan na naman siya ng lalaking ito, panigurado. Alam kasi nito kung gaanong kaayaw ni Lucian na magsumbong sa mga nakatataas niya dahil incompetent ang mga ito pagdating sa line of work na iyon.

Asher sighed. Ayan na, manenermon na, saad ni Lu sa isip niya.

"You know that's toxic and fucked up right? Napakataas ng pride mo para isiping kaya mong ayusin ang bagay na to nang hindi nagsasabi sa superiors mo," paunang sabi ni Ash bago naman ito bumaling kay Aki. "Isa ka pa. Achilles Vera, right? Prestigious, international top student. Born from a wealthy family. Mataas din ang pride. Oo alam kong magaling kayo sa larangang ito. You're both one of the best Mechanical Engineers in the world. Pero hindi porke't mas magaling kayo sa superior niyo ay hindi niyo na sila pagkakatiwalaan."

"But-" singit sana ni Aki pero agad pinutol ni Asher ang sasabihin nito.

"But, but, batbatin ko yang mukha mo eh. I know how awful your work here has been. Unreasonable deadlines, unreasonable standards, unreasonable everything. Pero superior niyo pa rin sila," komento ni Asher.

Gears and GloryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon