LUCIAN
For the whole week, Lucian busied himself with designing the new Helios Obsidian and supervising the making of the prototype for Helios Crimson. Mabilis man ang process ng department nila, nagagahol pa rin sila sa oras. Sa isang linggo na ang target date of release para sa dalawang modelo ng sasakyan, pero ang Crimson ay nasa kalagitnaan pa lang ng pagbubuo, at ang Obsidian naman ay nasa finalization stage pa lang para sa disenyo nito.
Kung hindi nga lang siya tinutulungan ni Kayden sa ibang mga intindihin, baka tuluyan nang naubos ang pasensya niya. Nagsasagutan pa rin sila paminsan-minsan, at madalas pa ring nang-aasar ang lalaki, pero malaki pa rin ang naiitulong nito. Yun nga lang, minsan ay nangungulit lang din si Kayden habang siya'y nagta-trabaho.
"Tired?" nakangiting tanong sa kanya ni Kayden pagkaupo nito sa tabi niya.
Sinimangutan niya ang lalaki at malakas na naglabas ng buntong-hininga. "They can't get my design right, it's frustrating," reklamo niya rito.
Ang proseso kasi ng pagbuo ng sasakyan sa Helios ay tatlo. Una, ang paggawa ng disenyo nito. Pangalawa ay ang paggawa ng isang maliit na modelo ng sasakyan. Eto ang ikinaiinis ni Lucian kanina pa.
Ngayon lang kasi nangyaring hindi tumatama ang sukat ng pinto ng sasakyan sa total na haba ng sasakyan. Maalin sa sumusobra ito o kumukulang. Simula kanina ay binabalikan niya na ang kanyang disenyo, pero wala siyang makitang mali rito kaya't sigurado siya na sa model nagkaroon ng problema.
Kayden softly messed his hair. "Calm down. I'll go and see what the problem might be later, umupo ka muna rito," the guy beside him said habang pinaglalaruan ang buhok niya.
"Make sure to find the problem, kung hindi ay sayo ko talaga ibabaling ang inis kong gago ka. Palibahasa kasi hindi ka marunong humindi sa ama mo," he snapped at Kayden, irritated.
Sa halip na magalit dahil sa pagmura at pag-insulto niya rito, tinawanan lang siya ni Kayden. "Yes, boss," sagot ng gago na may pag-saludo pang nalalaman.
Napatawa na lang din si Lucian sa inasta ng binata. Kahapon kasi ay napagbalingan niya rin ng inis si Kayden nang muntik nang masira ang isang pinto ng Crimson na kagagawa lamang. Si Kayden kasi ang nagsu-supervise noon dahil may kinailangan siyang ayusin sa disenyo naman ng Obsidian. Ang nangyari tuloy, sinabi niya kay Jea na wag papansinin ang binata. Litong-lito tuloy ang gago kung bakit siya hindi pinapansin ng nililigawan.
"You want to walk around sa park sa malapit?" biglang tanong ng katabi.
Dahil alam niyang mas-stress lang din naman siya habang nasa site, pinili niyang tumango at um-oo sa suhestyon ni Kayden. "Sure, I need fresh air."
Sabay silang tumayo pero bago pa sila makalabas sa building ay biglang tumunog ang telepono ni Kayden. Pareho silang napatingin doon at nakita ang pangalan ni Jea na naka-display sa screen.
"Let me just answer this," paalam ni Kayden at sinagot ang tawag. Nakatayo lang silang dalawa sa may lounge ng building.
"Yes, Jea?" tanong ni Kayden sa kabilang linya.
Napataas naman ang kilay ni Lucian nang makita niya ang unti-unting pagkunot ng noo ni Kayden. Did something happen?
"Yeah, okay, I'll tell him," muling sabi ng binata bago nito ibinaba ang tawag at bumaling ng tingin sa kanya. Komplikado ang itsura nito.
Lucian sighed before letting out a small smile. "Anong problema?" marahan niyang tanong sa lalaki.
"Don't panic, alright?" paunang saad ni Kayden.
BINABASA MO ANG
Gears and Glory
RomanceLucian Jared Alegre is very contented with his life. Born in a wealthy family, loved by his parents, and idolized by his brother. What more could he ask for? He's also working as a senior engineer in a multinational, car-manufacturing company in th...