1: Hindi Inaasahan✓

129 3 0
                                    

Ang puso'y hindi pa handa
Na magmahal ulit ng iba
Dahil ang puso'y nangungulila pa sa kanya
Sa kanya na walang ginawa kundi ang paluhain ang mata.

Patuloy pa rin akong umaasa sa kanya
Kahit na alam kong napakalabo na
Kaya't nasasaktan pa rin sa tuwina
Kapag malapit siya at nakikita.

Sa sakit ay nagsasawa na
Kaya't napagdesisyunang tama na
Tama na, ayoko ng umasa
Kailangan ko ng kalimutan ang alaala naming dalawa.

Mahabang proseso,
Hindi din sigurado kung mapagtatagumpayan ito
Pero umaasa ang puso
Na sana'y sa huli ako ang manalo.

Sa huli sanay makalimutan na siya
Kaya ko itong gawin ng mag isa
Pero ako'y mali pala, kailangan ko ng tulong ng iba
Kahit isang kaibigan lang na mapagsasabihan ng sakit na nadarama.

Sa hindi inaasahan, ay dumating siya
Dumating siya kung kailan kailangan ko ng kausap na iba
Hindi niya man alam, sa pagdating niya ako'y naging masaya
Dahil alam kong sa aking mga kadramahan ay makikinig siya.

Hindi man inaasahan, ngunit nagpapasalamat na ika'y naging malapit na kaibigan
Hindi man inaasahan, ngunit sa paglimot ako'y natulungan
Hindi man inaasahan, ngunit salamat sayo kaibigan.

**********

March 2020

Unsent Poems and Letters✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon