30: Sa Pareralang Mundo✓

23 2 0
                                    

Alam kong sa mundong ito'y hindi pwede sa atin ang salitang "tayo"
Sa mundong ito'y hindi pwede ang may "ikaw at ako".
Sa mundong ito'y hindi maari na ipaglaban at ipagpilitan ko
Ang nararamdaman na sa simula pa lamang sana'y pinigilan ko.

Ngunit sa mundong ito ay may isang ako
Isang ako, na nagdarasal na sana sa pareralang mundo
Sana sa pareralang mundo ay pwede na ang salitang "tayo".
Sana sa pareralang mundo pwede na ang "ikaw at ako".

Upang kahit malungkot man ang siyang wakas ng pag ibig ko
Pag ibig na aking binuo sa mundong ito para sayo
Sana sa pareralang mundo ay makamtan ko
Ang laman ng aking mga panaginip sa tuwing ipipikit ko ang mata ko.

Mga panaginip kung saan magkatugma
Magkatugma ang itinitibok ng puso nating dalawa
Mga panaginip kung saan tayong dalawa'y masayang magkasama
Dahil ang nararamdaman ay pareho na at hindi na magkaiba.

April 2023




.....

Ngunit alam ko at nararamdaman ko...

Na kahit sa pareralang mundo...

Ay hindi parin pwede ang salitang tayo...

Unsent Poems and Letters✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon