46: Kamusta Ka Na?

2 2 0
                                    

Kapag ganitong oras na bumibigat na naman ang aking kalooban
Ganitong oras na loob ay pinanghihinaan na naman
Sa mga ganitong oras ay naaalala ko ang iyong pangalan
Naalala ko ang mga araw na pinapalakas mo ang kalooban at lagi lagi mong sinasabi na ako'y maging matapang.

Kamusta ka na?
Matagal na noong huling nagusap tayong dalawa
Lagpas isang taon na din yata, hindi ko na din maalala
Kamusta ka na, ako din ba'y iyong naaalala?

Nananabik ang damdamin na makausap ka
Kahit simpleng usap lang sana
Kahit hindi na masyadong malalim at walang laman
Basta gusto ko lang makibalita at kalagayan mo'y aking malaman.

Kamusta ka na?
Puso mo'y kamusta na din ba?
May laman na ba?
Sa kasalukuyan sayo ba'y may nagpapasaya na?

Kung ako naman ang iyong tatanungin kung ako'y kamusta na din ba?
Heto wala pa rin namang nagbago at nag iba
Kung ang puso ko naman... Kasalukuyang nasa proseso para kalimutan kana
Pero malayo pa, malayo pa upang tuluyan ng makalimutan ang nadarama.

JULY 17, 2024

Unsent Poems and Letters✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon