17: Distansiya✓

28 2 0
                                    


Sa biglaang pagdalaw (niyo) mo
Bigla akong may napagtanto
Hindi ko na talaga maipagkakaila ito
Ngayo'y sigurado na, sayo ako'y may gusto.

Totoo na talaga, wala ng pag aalinlangan pa
Kaya puso'y natakot bigla bigla
Akala ko simpleng pagkagusto lang ang nadarama
Pero hindi ko naman inaakalang malalim na at seryoso na pala.

Ayoko nang mas lumalim pa
Kaya't napagpasyahan na iwasan ka
Totoong pag iwas na
Naging malamig ang bawat reply ko sayo ng hindi sinasadya
Ang pakikitungo ko sayo'y nagbago bigla bigla.

Kailangan kong dumistansiya
Natatakot kasi ako na kapag sayo'y mas mapalapit pa
Mas lumalim pa ang nadarama
At sa huli mahihirapang kalimutan ka.

January 2022

Unsent Poems and Letters✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon