37: Hindi Na✓

21 2 0
                                    


Hindi na...

Alam kong hindi na ulit tayo babalik sa dati
Subukan mang ulit na ayusin ngunit marami ng nangyari
Kahit na hindi man natin sinasadya
Tayong dalawa ay nagkasakitan na

Hindi na...

Hindi na din ako aasa pa
Na maayos ang kung ano mang naging mali sa ating dalawa
Dahil alam ko at ramdam ko na ang ating distansiya
Ang mga loob nati'y naging malayo na sa isa't isa

Kaya't ngayo'y hindi na...

Hinding hindi na ako lalapit pa na ako ang nauna
Hindi ko na tatanungin sa iba kung kamusta kana
Hindi na kita muling iisipin pa
Maaalala man kita ngunit hindi na ako manghihinayang pa

Dahil hindi na...

Hindi na ako aasa pa
Hindi na ako gagawa pa ng mga tula na ikaw ang bida
Hindi na manghihinayang pa sa kung ano man ang sa ati'y nawala
Dahil katulad ng pareralang linya, hindi na siguro magkakasalubong ang landas nating dalawa.


November 2023

Unsent Poems and Letters✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon