14: Sa Tuwing Tatawag Ka✓

29 2 0
                                    

Pagsapit ng hapon puso ay nagsisimula na
Tumibok ng mabilis na tila ba
May inaasahan nasanay na sa tuwina
Sa tuwing hapon na tatawag ka.

Alas dos, alas tres oras ng siyesta
Ngunit ang inaabangan ay iba
Pagtunog ng telepono kailan nga ba
Kasabay ng paglitaw ng pangalan mo at pagtunog ng aking telepono sa akin ay nakakapagbigay ng saya.

Unang sampung minuto, kamustahan at tanungan kung ano ang naging araw ko at araw mo
Pangalawang sampung minuto, biruan na at marami na tayong kwento
Minsan naman nakakausap mo na ang mga kapatid ko
Gusto kong makilala ka nila, katulad ng pagkakakilala ko sayo.

At oo hindi ko ipagkakaila
Na may mga ngiti sa labi sa tuwing kausap ka
At hindi ko din ito itinatago sa iba
Siguro nga'y kapag kausap ka, nakikita rin nila ang kinang sa aking mga mata.

Sa tuwing tatawag ka iyong napapagaan
Ang kalooban na may bigat na nararamdaman
Dahil sa tuwing tatawag ka, kahit saglit ay aking nakakalimutan
Mga malulungkot na bagay na aking pinagdadaanan.

September 2021

Unsent Poems and Letters✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon