35: Sinong Mag aakala✓

27 2 0
                                    

Hindi ko alam at hindi ko inaasahan
Na darating ang araw na ikaw naman ang siyang dahilan
Na ako'y makakapagsulat ulit ng tula at ikaw ang siyang laman
Makakagawa ng isang kwento na ikaw ang tauhan

Mga tulang hindi ko alam kung mababasa  mo
Mga sulat na hindi ko alam kung makakarating sayo
Ganun pa man nagsulat pa rin ako
Isinulat ang mga nararamdaman na mas piniling itago.

Ngunit sinong mag aakala na nagsusulat ngayon dahil sa isang dahilan
Nagsusulat upang simulang ika'y kalimutan
Nagsusulat para mawala na ang nararamdaman
Nagsusulat dahil alam kong nararamdama'y walang patutunguhan.

Sinong mag aakala na nagsulat ako para nararamdaman sayo'y magpaalam na ng tuluyan
Salamat sa mga panahong naramdaman ko na may tunay akong kaibigan sa 'yong katauhan
Maraming salamat sa mga panahong pinalakas mo ang nanghihinang kalooban
Salamat sa mga panahong ako'y iyong dinamayan.

October 2023



Unsent Poems and Letters✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon