4: Huwag✓

55 2 0
                                    

Hindi alam kung anong gagawin
Kung lalapit ba sayo at aking sasabihin
Ngunit paano ito ako'y kinakabahan
Baka kapag umami'y masaktan lang

Isang hakbang papalapit sayo
Isang hakbang papalayo sayo
Umaatras abante, ang puso kong naduduwag
Ang sinasabi ng isip ay huwag

Huwag mong subukan masasaktan ka lang
huwag mong sabihin tatawanan ka lang
Huwag mong aminin, ika'y lalayuan
Huwag nang sabihin, masisira lang ang pagkakaibigan

Ngunit isang gabi aking napag isipan
Paano kaya kapag sayo ay ipinaramdam
Na may kakaiba na akong nararamdaman
At sa huli aking napagpasyahan na subukan

Subukan na sa iyo'y sabihin
Ngunit madaming pasakalye at ika'y binitin
Nag iipon parin kasi ako ng tibay ng damdamin
Ngunit sa huli ay napagpasyahang mananatili nalang itong lihim.

************************************

May 2020

Unsent Poems and Letters✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon