24: Bituin✓

29 2 0
                                    

At ngayon nga'y nagmimistula ka ng bituin
Kung titignan parang kay lapit pero yun pala ay malayo pa rin
Sa malayo pwede kang titigan ngunit hindi na pwedeng abutin
Sa malayo heto ako't sayo'y nakatingin.

Isang hakbang lang naman ang ating pagitan
Ngunit hindi maipagkakaila ang pader na nakaharang
Hindi man natin ito nakikita ngunit akin itong nararamdaman
Gusto kitang lapitan pero ang paa ay hindi maihakbang.

Kaya't mula dito sa kinatatayuan ko ay pinagmamasdan nalang kita
Gusto man kitang kausapin pero tila ba hindi sang ayon ang tadhana
Ngayon nga'y naging isa ka nalang bituin para sa aking mata
At ipaparating nalang ang aking mga saloobin sayo sa pamamagitan ng mga tula.


September 2022

Nakita ulit kita kasi nag return service kayo. Nahihiya man akong sumama noong inaya ako ni A_j_n na mananghalian sa baording niyo dahil alam kong nandoon yung jowa niya. Pero pumayag pa rin ako.

Alam kong sobrang awkward. Alam ko namang makiramdam.

Pero kasi...

Pumayag ako kasi nandoon ka.
Sabi ko pa sa sarili ko. Susulitin ko na.

"Susulitin ko na dahil pagkatapos nito. Kakalimutan ko na ang feelings ko para sayo. Kakalimutan ko na dahil alam kong walang chance."

Sabi ko pa sa sarili ko... Siguro naman madali lang dahil hindi naman na kita nakikita at nakakausap ng madalas.

Pero heto na naman tayo sa...

"Madaling sabihin, mahirap gawin."

At dahil sinabi ko sa sarili ko na mag mo-move on na talaga ako...

Alam kong mas lalayo na naman ako sayo.

Unsent Poems and Letters✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon