44: Mananatili at Mananatili

5 2 0
                                    

Sabi ko loob ko'y akin ng lalakasan
Akin nang tatapangan
Upang mga tulang ginawa'y maiparating na sayo ng tuluyan
Ngunit ako'y aatras na naman.

Sayo'y hindi ko na ipapaalam pa
Sayo'y hindi na ipaparating pa
Mga tula'y sayo'y hindi na ipapabasa
Hindi na, dahil mundo mo at mundo ko ay tuluyan ng nagkaiba.

Siguro nga ito na ang nakatadhana
Mananatili nalang lihim ang aking nadarama
Mananatiling lihim hanggang sa makalimutan ka na
Mananatili at mananatiling lihim nalang na minsan inibig kita

Inibig kita ng patago
Inibig kita mula sa malayo
Na tumibok ang puso ko sayo
Na ang laman ng puso't isipan sa tuwina ay ang pangalan mo.

Mananatili at mananatiling lihim nalang na nakatago
Dahil siguro nga hanggang dito nalang tayo
Hindi na din tayo matatawag na magkaibigan
Umabot na tayo sa puntong tayong dalawa ay magkakilala nalang.

Ito na ang huli, sayo at sa nararamdaman ko ay magpapaalam na nang tuluyan.

****

June 17, 2024

Happy birthday!

"Paalam na ng tuluyan."

Unsent Poems and Letters✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon