Chapter 2

139 92 23
                                        

I am holding my umbrella tightly. Nag hihintay ako kay Noah, susunduin niya ako ngayon dahil iyon ang usapan namin kahapon.

“Bakit ang tagal no'n?” Kanina pa ako ritong mga 9 AM, mabuti nalang at pinadala ni mama sa akin ang payong kung 'di ay talagang lutong-luto na ako ngayon sa sobrang init.

Maaga pa pero tirik na tirik na ang araw. Nauuhaw na ako, hindi ko pa naman dala 'yung tumbler ko dahil hindi ko naman inisip na matatagalan pala ako rito kakahintay.

Itinago ko ang mukha sa payong saka yumuko. “Uuwi nalang kaya ako?” idinikit ko ang payong sa aking balikat.

I already made up my mind, na aalis nalang, pero natigil ako ng may makita akong dalawang sapatos  sa harapan ko. “I'm sorry...” huminga siya ng malalim. “Akala ko mamaya ka pa darating.” Ang mga kamay nito ay nasa magkabilang tuhod habang nakayuko at hinihingal.

Napatulala ako ng ilang sandali matapos makita ang itsura niya. His hair was messy dahilan siguro sa pagmamadali. Nakasuot siya ng simpleng black t-shirt at black pants. Lumitaw tuloy ang kaputian niya. Mas maputi pa siya kaysa sa akin.

Iniwas ko ang paningin. “Kung wala akong dalang payong siguro nag mukha na akong pritong isda rito, Noah!” inis na sabi ko.

He laughed. “May payong ka namang dala, kaya hindi ka magiging pritong isda...” Hindi ko alam kung biro ba iyon or seryoso! Nakakainis!

“Pwede na ba tayong umalis? Nauuhaw na ako, Mahihimatay na ako rito kung hindi ako makakainom ng tubig.” Sobrang tuyo na nang lalamunan ko.

May kinuha siyang panyo sa bulsa ng pants niya saka iyon inilahad sa akin. “Punas mo sa pawis,” itinuro niya pa ang leeg kong pawisan.

Bakit niya ibibigay sa akin ang panyo niya gayong siya iyong mas pawisan sa amin? May dala naman akong payong kaya hindi ako masyadong pawisan dahil sa init.

Luminga-linga siya sa paligid. Hinila niya ako papunta sa may kahoy kung saan pwedeng maka silong, hindi abot ng araw ang ibaba. “H'wag kang aalis dito. Hintayin mo 'ko.” Hindi na ako nakapag tanong dahil bigla siyang umalis sa harapan ko.

Bumalik siyang may dala ng bottled water, he handed it to me. He brushed his hair using his hand. “Inumin mo.”

Kinuha niya sa akin ang hawak na payong. Ilang minuto pa kami roon bago naisipang umalis na.

Hawak ko na ulit ang payong kaya sumilong siya, pero kinuha niya rin sa akin, hindi daw siya masyadong maka silong dahil sa mababa kong pag hawak. Pinapamukha talaga sa aking maliit ako.

Binuksan ko ang tubig saka uminom ulit. Tumingin ako sa kaniya. “Saan ba bahay niyo?” I asked.

Nilingon niya ako. “Sa Lapaz.”

I looked at him, shocked. “Hala! Malapit lang. San Juan 2 sa amin!” Pinalo ko ng mahina ang braso niya. “Ba't 'di mo sinabing taga Lapaz ka, huh! Edi sana hindi na 'ko naghintay dito sa plaza!” sabi ko at bumusangot. Lalakarin ko lang mula sa bahay namin tapos makakarating agad ako sa lapaz.

He shook his head. Natatawa pa. “Hindi mo naman tinanong.”

I rolled my eyes. “Malay ko ba...”

Mainit kaya dikit na dikit kami sa isa't-isa, hindi rin naman kasi masyadong malaki ang dala kong payong, sakto lang para sa isang tao. “Sumakay nalang kaya tayo ng tricycle 'no?” sabi ko.

Kanina pa kami lakad ng lakad, E. Ang layo pa naman ng bahay nila dahil nasa plaza nga kami. Pwede naman kaming sumakay agad para madali.

“Gusto kong mag lakad.” sabi niya. Grabe siya, makakaya niya talagang mag lakad ng ganito ka init?

Whisper Of DestinyWhere stories live. Discover now