Chapter 3

109 76 7
                                    

It was friday Afternoon, as usual nakaharap ako sa bintana ng classroom namin, habang ang kanang kamay ay nasa aking pisngi. Tuwing tanghali talaga ako nababagot, pagkatapos mag lunch, wala ng gagawin kaya tamang pagmamasid-masid nalang sa labas.

Kanina pa nag bell ngunit wala parin ang teacher namin ngayon, kaya talaga namang nakakabagot na masyado. Wala akong kausap dahil absent si Clarita. Ewan ko ba kung anong nangyari ro'n at umabsent pa.

"Parating na si Ma'am Santos! Tahimik na!" si Jacob and president namin.

Umayos ako ng upo. Tahimik na ang mga kaklase ko ng pumasok si Ma'am Santos, ang Teacher namin sa english. Ngayon na pala isu-submit iyong report.

Napabaling ako sa direksyon ni Noah, nasa teacher namin ang attention niya. I was ready to look away ng bigla siyang lumingon sa akin. I quickly averted my gaze saka palihim na napahawak sa aking dibdib.

Naalala ko ang nangyari kahapon sa bahay nila. That was so awkward!

"Good Afternoon class! Pass your report paper." Diretsahang saad ni Ma'am Cristal.

Hindi ako tumayo dahil hindi naman ako ang may hawak ng report paper namin, nakay Noah iyon kaya siya ang mag sa-submit.

Binigay niya ang report namin saka siya pumihit paharap at diretsong nahuli niya ang mga mata kong nakatingin sa kaniya. I gulped. Anong nangyayari sa akin?!

Ako ang unang nag iwas ng tingin. Kinuha ko ang notebook at ballpen sa bag saka inabala ang sarili sa kaka-drawing kahit puro guhit lang naman ang nasusulat ko.

Hindi naman mag di-discuss si ma'am ngayon, kukunin niya lang iyong mga report paper tapos ay aalis narin dahil may meeting ito sa faculty.

Ang sunod naming subject ay math, at si Sir Jeric Falco ang teacher namin, isa sa favourite teacher ko dahil mabait.

"As you know, class. Malapit na ang katapusan ng klase. I'll give you a task, but no need to worry kasi by pair naman ito, and the deadline is next week on friday."

Another hectic day, ang daming gagawin. May upcoming project na naman. Kapag talaga patapos na ang klase ay saka naman dumadagsa ang mga activities. And worst, si Noah na naman ang partner ko! Bakit hindi nalang iyong mga katabi ang mag pa-partner!

Our teacher decided na ipi-pair kami base on our surename, his Quiban and I'm Rullen, Magkasunod lang kaya kami ulit ang na pair.

Bakit hindi nalang kasi kami ang pipili ng partner namin at kailangan pa talagang i-base sa apilyedo.

I raised my hand. "Sir! Pwedeng mag palit ng partner?" I asked. Baka lang naman pwede.

Kumunot ang noo ni sir Jeric. "Give me a valid reason kung bakit gusto mong ibahin ang partner mo?"

I scratch my nape. Hindi naman valid ang reason ko kaya 'wag nalang. "Huwag nalang po pala." I sat back on my chair. Nilingon ko ang pwesto ni Noah, just to find him staring at me.

May nakakaasar na ngiting naka plastada sa labi niya. Nakaka imbyerna!

I rolled my eyes. Sana mabilis matapos ang klase ngayon para naman ma bisita ko na si Leo. Makita ko lang ang mukha niya ay maayos na ako ulit. Nitong nakaraan ay palaging mukha nalang ni Noah ang nakikita ko, nakakasuka na!

Samahan pa ng pang-aasar nito sa akin gaya ng ginagawa niya ngayon. Nasa harapan ko na naman siya at hinaharangan ang pintuan kaya hindi ako makalabas. Tapos na nga ang klase pero heto siya at bumalik na uli sa dating gawi. Palagi nalang akong bini-bweset.

I glared at him. "Tabi nga!" Naiinis kong sigaw sa kaniya.

"Hindi ka pwedeng umalis, pag-uusapan nating muli 'yung tungkol sa project."

Whisper Of DestinyWhere stories live. Discover now