“That's it for today, class. Make sure na nakapagtake note kayo sa lesson natin ngayon, ha. I will be checking your notebooks. You can go home now.” sabi ni Ma'am Shiela, ang last subject teacher namin ngayon.
Finally! Natapos narin. Sobrang sakit na ng kamay ko kakasulat kanina, nakakangalay. Tinignan ko si Gin na nasa aking tabi at kinalabit siya. “Anong oras na?” tanong ko at nag-unat ng mga kamay. Uwing-uwi na ako, hindi ko na keri ang pagod.
Sinulyapan niya ang relo sa pala-pulsuhan. “3:49 PM na.” sagot niya. Tumango ako at nag pasalamat.
I looked around, Hinanap ng paningin ko si Noah pero wala na siya sa upuan niya. Umalis na ba siya? Akala ko sabay kami ngayon? Pag tingin ko sa pintuan ng classroom ay nakita ko siya roong nakasandal, naka pangalumbaba at nakatingin sa mga paa niya.
I stood up after fixing my things, marahang isinukbit ko ang bag sa likuran at nag lakad palapit sa pintuan kung saan nakatayo si Noah.
“Pst,” tawag pansin ko sa kaniya.
Mukhang may iniisip ito dahil hindi manlang siya nag angat ng tingin matapos kong tawagin. I stood in front of him and slightly tapped his shoulder.
“Yes?” napapitlag siya matapos kong kalabitin, umayos siya ng tayo. He licked his lips before clearing his throat.
“Sabay ba tayo?” I asked him. Kung sasabay siya sa mga kaibigan niya ngayon ay ayos lang, alam ko naman ang daan patungo sa bahay nila.
His eyes stared at me for a minute before nodding his head. “Oo, tara na.” tumalikod siya sa akin, naunang maglakad. Sinundan ko siya at pinantayan sa paglalakad.
Tahimik lang siya at nakatuon ang pansin sa daan, hindi nalang din ako nag salita, ang awkward na tuloy.
Malapit na kami sa gate ng school nang mahagip ng paningin ko ang babaeng kumakaway sa amin, ay hindi... Kay Noah pala.
Hindi ko maiwasang mapangiwi ng makilala ang babae.
“Noah!” nakangiti ito matapos tawagin ang pangalan ng kasama ko. Hindi ata ako nito napansin dahil hindi ako tinapunan ng tingin.
Palihim akong napairap.
Nasa gilid kami ng gate, kaharap ang mga kaibigan niya. Sinuyod ko ng tingin ang dalawang lalaki. Si Kevin at ang isang hindi ko pa kilala, ano nga name nito? Aloyd ba 'yun? Gumilid ako pa distansya kay Noah. Sa ginawa ko ay saka lang ako napansin ng dalawang lalaki.
Both of them looked shocked and amused at the same time. Nang balingan ko si Noah ay nakita ko siyang kausap parin ni Fiona. Muli ay napairap ako.
I tapped my feet on the ground repeatedly. Nang makitang busy parin ang lalaki ay agad na tumalikod ako, naglakad patungo sa sakayan. Well, i guess i'm going first nalang. Ayokong mag lakad, matatagalan ako, kaya sasakay ako ng tricycle.
Tumigil ako sa harapan ng tricycle na nakaparada, sasakay na sana ng bigla ay may humila sa pulsuhan ko at pinaharap.
Saglit akong nabigla dahil sa paghila sa akin pero agad ding nakabawi nang malaman kung sino ang humila sa 'kin.
“Bakit?” i asked confused. Sinulyapan ko ang mga kaibigan niyang nakasunod na sa kaniya. Tinitigan ko ang reaksyon ni Fiona, gulat na gulat ito.
“Oh...” Fiona's mouth parted but still manage to smile at me. “Hi, Ash!” She waved her hands.
Hindi ko siya pinansin, hindi ko na ulit siya binalingan dahil natuon na ulit ang atensyon ko kay Noah.
“Uuna nako.” sabi ko nang walang marinig na tugon mula kay Noah. Kinalas ko ang hawak niya sa kamay ko at akmang tatalikod na ulit ngunit nahawakan ako nitong muli, ngayon naman ay sa magkabilang mga braso ko siya naka hawak.
YOU ARE READING
Whisper Of Destiny
Genç KurguAs far as Fritzelle Rullen remembers, she likes Leoniel Ensencio for over a year now, she would even do anything just to steal a glance at this particular guy. But, with just a small interaction with Noah Quiban- her enemy and new friend at the same...
