“Hi, Leoniel!” itinaas ko ang aking kamay upang kumaway sa kaniya. Nasa tapat kami nang classroom nila. Mabuti na nga lang at nandito pa si Leoniel, hindi na sayang ang effort kong pumunta rito.
Cleaners ata si Leo ngayon kaya hindi pa umuuwi. Kasalukuyan itong pinupunasan ang blackboard nila. Ang bait talaga!
“Oh! Nandito kana naman!” sino pa nga ba ang nag salita? Walang iba kung 'di ang pakialamerong si Loid!
I glared at him. “Pake mo! Cleaners ka rin, hindi ba? Bakit wala kang ginagawa ha?!” I snorted.
He flicked my forehead. “FYI, tapos na ako sa gawain ko 'no.” sabi niya.
Masama akong napatingin sa kaniya habang hawak ang noo kong pinitik niya. “Bakit ba ang hilig niyong punteryahin itong noo ko!” pag ako nagka bukol, makikita mo, Loid! Gaganti ako!
“Heh! Ang lapad kasi ng noo mo.” 'tamo 'tong gagopng 'to! Pareha lang sila ni Noah, parehong nakakaasar!
I am ready to lunged and attack him when someone suddenly pulled me away from Loid. Huh?
Nang nilingon ko ang taong humablot sa akin at nakita ko roon si Leoniel, hawak-hawak pa ang likuran ng uniform ko. Wow? Subrang gaan ko ba para mahila ng ganoon kadali?
I pouted.
“What are you doing?” he asked.
Keme akong ngumiti bago dinuro si Loid. “Inaway niya ako, gusto ko lang namang gumanti.” sabi ko.
Loid raised both of his hands on the air. “I didn't.” tanggi niya.
“Yes, you did!” sigaw ko.
“Hindi nga!” hindi ito nag patalo.
“Stop it both of you!” sigaw din ni Leoniel ng hindi kami natigil sa bangayan.
“Uhm— hello! Hindi pa ba tayo uuwi?” napatingin kaming tatlo kay Clarita. “Hihi, bakit ganiyan kayo makatingin?”
“Ah! Oo nga pala, Leo. Pasabay kami pauwi,” Sige na, please! I even blink cutely at him. Makuha ka sa tingin ko, please.
Ngunit bago paman ito makapag salita ay nakarinig na kami ng nahintatakutang sigaw mula kay Loid. His face soured. Problema nito?
“H'wag kang pumikit-pikit! Para kang may sakit sa mata sa lagay na 'yan!” he screamed.
Gano'n ba ka pangit tignan? Hindi ba bagay sa akin? Ang cute ko nga kapag ginagawa ko iyon, kapag nakatingin ako sa salamin sa bahay tapos tina-try iyong nang-aakit na tingin, bagay naman sa akin!
“Tumahimik ka nga!” kahit kailan talaga hindi mauubusan ng kontrabida ang buhay ko! Kailan pa ba ako titigilan ng mga 'to.
“Tara na,” nabaling kami kay Leo ng mag salita ito. May ngiting naka paskil sa mga labi niya habang nakatingin sa amin. Mahinang natawa si Clarita. Leoniel chuckled quietly too.
Ganito palagi ang routine namin kapag sabay kaming u-uwing apat. Walang araw na hindi kami nagkakasagutan ni Loid sa tuwing pumupunta ako rito. Natitigil lang naman kami kapag talagang napupuno na si Leoniel sa amin.

YOU ARE READING
Whisper Of Destiny
Ficção AdolescenteAs far as Fritzelle Rullen remembers, she likes Leoniel Ensencio for over a year now, she would even do anything just to steal a glance at this particular guy. But, with just a small interaction with Noah Quiban- her enemy and new friend at the same...