Chapter 6

60 51 0
                                        

“Ma, uuwi rin kami agad pagkatapos.” sabi ko.


Pupunta kami sa kaibigan ko. Birthday na kasi ni Kenneth, ang kapatid ni Kissa at invited kami. Sasama rin ang kapatid kong si Rechan dahil kaibigan at ka-klase nito si Kenneth.

“Bantayan mo 'yang kapatid mo, ha. Baka kung saan-saan 'yan gagala, naku!” sabi ni mama.

Sumimangot ang kapatid ko. “Ma! Kila Kenneth lang naman ako.”

Batse na kami Ma,” aniko bago tumalikod at lumabas na nang bahay. Bitbit ko ang maliit na bag na nag lalaman ng wallet at snack ni Chan-chan. May pagkain naman doon, birthday nga ang pupuntahan namin, pero kasi baka lang gutumin na naman 'to kaya nag dala nalang ako ng paborito niyang snack.

“Mag iingat kayo, ha!” Dagdag na sigaw ni Mama.

“Opo!”

“'te, si Shawn ba pupunta rin?” tanong ni Rechan.

Si Shawn naman ay ang kapatid nang kaibigan kong si Meriana. Ka-klase rin ito ng kapatid ko. Ang mga kapatid naming lalaki nang mga kaibigan ko ay magkakaibigan din, parehong hindi nawawalay sa isa't-isa nga ang mga ito.

“Hindi ko alam, pero pwede natin silang daanan mamaya dahil malapit lang naman bahay nila kina Kissa.” tugon ko habang naglalakad kami patungo sa sakayan.

“Lalakarin ba natin 'te?” tanong niya.

Inakbayan ko siya. “Pwede naman pero medyo mainit na kasi kaya sasakay nalang muna tayo, wala rin tayong dalang payong.”

Tumango siya bago hinawakan ang kamay kong nasa balikat niya. “Si ate Rose ba hindi natin dadaanan?”

Bumaling ako sa kaniya. “May lakad sila ng ate niya, pero susunod naman siya mamaya.”

Nang nasa tapat na kami nang tricycle ay pinasakay ko muna si Rechan bago ako sumunod. “Majesty po,” sabi ko sa driver.

Ilang liko lang ng tumigil na ito dahil narating na namin ang Majesty. Sa pinaka unahang bahay kami dumiretso.

Agad kaming nakapasok sa gate nila Meriana dahil bukas naman iyon kaya hindi na ako nahirapan pa.

Kumatok ako. “Meriana! Nandiyan ka ba?”

Ilang segundo akong nag hintay bago naisipang kakatok muli ngunit bumukas ang pintuan nila at iniluwa roon si Ryan.

“Uh, hi. Si Meriana ba andiyan?” keme akong ngumiti.

Hindi ko close ang kuya niya dahil minsan lang naman akong pumupunta sa bahay nila Meriana, mas palagi kasi kami kina Kissa o 'di kaya ay kina Rose.

“Oo, nasa loob. Tuloy kayo.” nilakihan niya nang bukas ang pinto. “Merie! Kaibigan mo andito!” sigaw niya.

“Thank you,” bahagya akong yumuko. Inilibot ko ang paningin sa bahay nila. Malaki ang bahay nila, maganda na nga malinis pa.

Hinubad namin ang tsinelas na suot at inilagay 'yun sa gilid.

“kuya Ryan!” nakipag fist bumps ang kapatid ko. “Si Shawn po nasan?” tanong niya.

“Nasa kwarto niya, tulog pa yata.” Humalakhak ito. Mas madalas pa nga yata ang kapatid ko rito kaysa sa akin. Kaya siguro close na close sila ng kuya ni Meriana.

Whisper Of DestinyWhere stories live. Discover now