Isinubsob ko ang ulo ko sa table. Inaantok ako. Napatingin ako sa labas ng bintana ng classroom namin ng marinig ang mga sigawan sa labas. Tanaw na tanaw ko mula rito ang mga estudyanteng dumadaan.
Mainit na sa labas dahil alas dose na ngayon. Nababagot na ako rito lalo na't wala akong kausap dahil halos lahat ata ng mga kaklase ko ay nasa labas pa.
Katatapos ko lang mag lunch at mukhang ako pa talaga ata ang naunang matapos dahil ako palang ang naririto sa loob.
I sighed. “Gusto ko ng matapos nalang agad ang klase, bagot na bagot na ako.” Bakit kasi hindi kami nag katabi ng classroom nang mga kaibigan ko?! Ang d'yahe naman.
Inaantok talaga ako! Ang mga mata ko'y unti-unting pumikit. Pipikit lang muna saglit, hindi pa naman nag bell.
Nagising lang ako dahil sa mahihinang tapik sa aking balikat. Pupungas pungas akong umayos ng upo. Binalingan ko ang gumising sa akin, it was Gin, my seatmate.
“Parating na ang teacher baka pagalitan ka kapag nakita kang natutulog.” mahina ang boses niya. Siya ang katabi ko sa upuan. Siya iyong tipong Nerd type dahil palagi itong may suot na salamin sa mata, mahilig din itong mag basa ng libro, he's cute actually.
I smiled at him. “Salamat.” inayos ko ang nagulong buhok at humarap sa harapan.
Sakto rin ay siyang dating ni teacher Cherry, ang guro namin sa Science. “Good afternoon class, handa na ba ang lahat? Magpapa oral ako ngayon.”
Maririnig ang mga singhapan ng mga kaklase ko at kasama na ako roon. Kaniya-kaniyang angal ang mga ito.
“Ma'am, hindi po ako nag study!” sigaw ni Clarita.
“Ma'am Cherry, pwede i-extend?” Angal pa ni Diego.
“Ang oral natin ngayon ay hindi konektado sa subject natin, you will just have to pick a number tapos kung ano ang tanong doon ay siyang sasagutin ninyo.” Some of my classmate are all in, lalo na iyong mga matatalino. Hindi ako kumibo at naghihintay lamang sa susunod na sasabihin ng guro.
“Ready na?” sabi ni teacher Cherry. “Okay, first is... Gamil Fuentes!” Inilibot niya ang paningin. “Where is Gamil?” dagdag niya.
Itinaas ni Gamil ang kaniyang kamay. Nanginginig pa ito. “Ma'am english ba ang tanong? Baka diko ma gets ma'am. Bobo kasi ako sa english!” Natawa si ma'am sa sinabi niya. I feel you Gamil...
“Don't worry 'nak, simple lang naman ang mga tanong. Keri lang yan.” nag thumbs up pa ito kay Gamil na ngayon ay kabadong-kabado na. “Okay, anong number ang gusto mo?”
“Number 9 po.” sabi niya.
“So, here's the question, How do you define happiness?”
His face crumpled, napakamot ito sa batok. “Ma'am, paki translate naman po.” ngumuso ito.
Tumawa ang mga kaklase ko kasama narin doon si ma'am. I chuckled too.
Patuloy na tinatawag ang pangalan nang mga kaklase ko hanggang sa ang pangalan ko na ang sumunod na natawag.
I raised my hand. “Teacher, number 7 po.” Sana naman ay simple lang ang tanong, Pag talaga mahirap ang tanong hindi ko na gagawing lucky number ang 7!
“Oh, this is interesting...” she paused. “Okay, In your opinion, would you prioritize someone you have strong feelings for, over someone who genuinely loves and values you?”
Nabato ako sa kinatatayuan ko. My teacher's patiently waiting for my answer. Na mental-block ako, ano nga ba ang pipiliin ko? Own opinion naman kaya walang tama at mali sa isasagot ko.

YOU ARE READING
Whisper Of Destiny
Teen FictionAs far as Fritzelle Rullen remembers, she likes Leoniel Ensencio for over a year now, she would even do anything just to steal a glance at this particular guy. But, with just a small interaction with Noah Quiban- her enemy and new friend at the same...