Chapter 7

61 49 11
                                        

“Mabuti naman at nakarating na kayo! Kanina pa ako nag hihintay sa inyo.” Mataray nitong bungad, nakakunot ang noo nang balingan kami ni kissa.

Marami na agad ang bisita sa bahay nila ngunit nasa labas ang mga ito, sa malawak na bakuran nila naisipang i-pwesto ang handaan. Kapag sa loob ng bahay daw kasi ay paniguradong punong-puno na ngayon ang sala nila dahil sa rami ng tao.

Maingay rin dahil sa gilid ay may nag ka-karaoke. Medyo mausok dahil sa iniihaw na karne. Ang bongga nitong birthday ni Kenneth.

“Sorry, nag pahinga lang saglit kina Meriana,” sabi ko.

“Tara sa loob tayo. Ma! Ikaw muna ang bahala rito, ha. Aasikasuhin ko lang mga kaibigan ko, Sa loob ko na papakainin.” sabi niya kay Tita Kisses.

Ang ginang na abala sa mga kaibigan ay napabaling sa direksyon namin. “Kumain kayo ng marami, ha. Kumuha lang kayo roon sa mesa ng mga pagkain kapag gusto niyo pa.” malumanay ang boses na sabi ni Tita Kisses. Kahit may katandaan na ay makikita parin sa mukha nito ang kagandahan. Kay tita rin namana ni Kissa ang magaganda nitong mata na siya namang napakagandang pagmasdan.

Kaniya-kaniyang pasasalamat ang naging tugon namin ni Meriana bago kami hilahin ni Kissa papasok.

Ang kapatid namin ay parehong hindi na mahagilap dahil nang makarating kami ay agad na niyaya ito ni kenneth na mag laro kasama ang iba pa nilang kaibigan.

Magkasabay na naupo kami ni Meriana sa upuan. Malaki rin ang kusina nila. Nasa gitna ang mesa, sa gilid ay ang gas stove kung saan mag luluto, sa baba naman nito ay ang oven nila. Sa harapan ng mesa ay ang lababo.

“Naka tanggap ka na ba ng mensahe kay Rose? Mamaya pa iyon darating dahil may lakad pa sila ni ate Mikay.” Pangunguna ni Meriana.

Nakatalikod sa amin sa Kissa ngunit bahagyang gumalaw ang ulo nito para balingan Kami ng tingin. “Oo, kaya nga pinagtabi ko na agad ng pagkain dahil baka maubusan pa iyon.”

Nang humarap siya sa amin ay bitbit na nito ang mga platong nag lalaman ng iba't - ibang ulam, marami iyon. Iba't ibang putaheng masasarap.

Nabaling ang tingin ko kay Meriana ng mag simula itong mag biro.

“Girl. May balak ka bang patabain kami?” medyo napangiwi pa ito ngunit ang mga mata ay makikitaan ng pagbibiro.

Natawa si Kissa sa reaction niya. “Mauubos niyo rin naman yan.” sabi niya.

Truth be told.

Totoo nga naman, talagang naubos namin ang pagkain. Halos wala ka pa ngang makitang tira sa plato dahil talagang sininok lahat iyon.

“Ulam pa nga lang iyon busog na agad ako, ano nalang kapag may dessert na 'no?” sabi ni Meriana. Mahinang natawa kami sa naging turan nito.

“Ay teka! Iyong kapatid ko nasaan na ba 'yon? Hindi pa kumakain ang batang 'yun, ah!” Ngayon lang nabalik sa utak ko na kasama ko pala ang kapatid ko papunta rito. Hindi pa nakakain 'yon!

“Don't worry, napakain na iyon ni mama. Nasa labas sila kasama ang iba pa nilang mga kaibigan.” saka lamang ako nakahinga ng maluwag sa sinabi niya.

“By the way, wala parin si Rose, ah? 12:52 PM na pero wala pa siya.” sabi ni Kissa.

Baka may ginawa pa sila ni ate Mikay kaya natagalan. Nag si-sister bonding ang mga iyon.

Whisper Of DestinyWhere stories live. Discover now