Chapter 8

52 45 0
                                    

Mahihinang katok sa pinto ang nakapag pagising sa akin. Iminulat ko ang aking mga mata ngunit kaagad ding pumikit dahil sa liwanag na nagmumula sa bintana ng kwarto ko.

“Ate! Gising na raw sabi ni mama, baka ma late ka sa klase mo.” boses ng kapatid kong lalaki. Anong oras na ba? “Ate! Gising na, ihahatid mo pa kami 'di ba!” kumatok itong muli ng walang marinig na tugon mula sa akin.

“Oo, gising na!” sigaw ko bago nag mamadaling kinuha ang tuwalyang nakatupi sa kabinet. Binuksan ko ang pintuan at doon tumambad si Rechan na naka complete uniform na.

“Anong oras na?” tanong ko. Sabay kaming naglakad patungo sa sala kung saan naroroon si Kyla na kay aga-agang naglalaro, nag kalat pa ang mga laruan sa sahig.

“Alas cinco.” tugon niya. Alas siete pa naman magsisimula ang klase ko kaya malayo pa. Mabilis lang naman akong maligo kaya keri lang 'to!

“Si Faith? May klase rin 'yon 'di ba?”

“katatapos lang n'on maligo, siguro binibihisan pa ni mama.” kinuha nito ang suklay sa aparador saka humarap sa salamin na naka paskil sa pader bago sinimulang suklayan ang buhok.

Ako ang maghahatid sa kanila sa East City Central School kung saan sila nag-aaral. Malapit lang naman kasi ang paaralan nila sa akin kay pwedeng ako ang maghatid sa kanila tapos lalakarin ko nalang ang patungo sa school namin.

Grade 5 na si Rechan, si Faith naman ay Grade 2 habang si May Anne ay Grade 1. Nag aaral narin ang bunso namin sa ECCS, pero mamayang tanghali pa ang klase ng kindergarten kaya si mama ang palaging nag hahatid sa kaniya.

Dumeretso na agad ako sa banyo upang maligo, nang lumapat ang malamig na tubig sa katawan ko ay agad na itinuloy-tuloy ko ang pag saboy ng tubig dahil sa ginaw. Ang lamig!

Nang matapos ay inilibot ko ang tuwalya sa katawan bago dali-daling pumasok sa kwarto. Kinuha ko ang uniform na naka hanger.

Handang-handa na ako!

Pinatuyo ko muna ang buhok saka lumabas ng kwarto. Nang marating ang kusina ay naroon na ang mga kapatid ko at abala na sa mga pagkain nito.

Nang makita ako ni mama ay agad ako nitong nilapitan. “Kumain ka na para hindi kayo ma late sa klase niyo.” inayos nito ang gusot sa uniporme ko. “Inumin mo rin iyong gatas na nasa tabi pagkatapos mong kumain.” sabi niya.

“Opo,”

Naunang natapos sa pagkain ang mga kapatid ko, mabilis na inubos ko ang natirang kanin at ulam sa plato ko bago nag mamadaling tumayo upang kunin ang bag ko sa sala.

“Alis na kami ma!” pag papa-alam ko.

“Mag ingat kayo sa daan ha! Ashley, hawakan mo ng maigi ang mga kapatid mo at baka biglang tumakbo.” paalala ni mama sa akin, karga-karga nito sa Kyla na kumakaway naman sa amin habang hawak ang laruan niya.

Tumango ako saka ngumiti at kumaway.

Hawak ko sa kanang kamay si Faith samantala si May Anne naman ay sa kaliwa, nasa tabi naman ni May Anne si Rechan.

Sumakay kami sa tricycle. Kinuha ko ang perang pamasahe namin sa wallet ko 'tsaka 'yon iniabot sa driver. “Palaza po, manong.”

“Dala niyo ba ang tumbler niyo?” tanong ko sa kanila.

“Si mama na raw mag dadala mamaya 'te,” tugon ni Faith.

Ilang minuto lang ay nasa plaza na agad kami. Mabilis na bumaba ang mga ito.

Sa harap ng plaza ay ang kalsada, hindi kami tatawid dahil dadaan kami sa overpass. Bawal kasing tumawid kapag may kasamang mga bata dahil ang bibilis pa naman ng takbo nang mga sasakyan.

Whisper Of DestinyWhere stories live. Discover now