Truth be told, inabot nga kami ng gabi bago natapos. Madilim na at kitang-kita na ang mga nag kikinangang bituin sa kalangitan. Kasalukuyan kaming naglalakad ni Noah. Pauwi na ako ngunit walang tricycle na nakapasada malapit sa bahay nila kaya kinakailangan ko pang maglakad patungo sa sakayan sa may unahan.
“Bakit ka pa lumabas? Kaya ko namang lakarin mag isa ang daan patungo sa sakayan.”
“Delikado, ihahatid kita.” Tipid nitong tugon.
Ano bang nakaka-delikado roon? E, hindi naman ito iskinita para katakutang daanan. At saka maliwanag naman ang daan dagdag pang maraming mga kabahayan dito.
Lumapit si Noah sa lalaking tricycle driver. “Kuya Ronel! Magandang gabi po! Pakihatid naman po itong kasama ko sa San Juan 2, kuya.”
Napatingin ang lalaki sa akin bago muling binalikan ng makahulugang tingin si Noah. “Aba, Girlfriend mo Noy?” tanong nito.
Noy? Nickname ba 'yun ni Noah? Ang dugyot naman. Palihim akong natawa.
Ngunit bago pa makapag salita si Noah ay sumingit na agad ako. “Malabo po 'yan kuya, hindi ho ako mag kaka-gusto sa kaniya, friends lang po kami.” itinuro ko pa si Noah.
Maririnig ang halakhak ni kuya Ronel. “May gusto ka ba rito, Noy? Halatang busted kana agad, Eh.” humalakhak ito. Hindi naman mag kakagusto ang isang Noah Quiban sa akin, kuya.
“Of course not kuya Ronel, ang layo niya sa type ko. Hindi siya papasa.” sinabayan niya ang biro ng tricycle driver, pero mukhang seryoso rin naman 'yong sinabi niya.
I looked at him straight in the eye before giving him You're-not-my-type-either looks. Bawal, hindi kami talo. Friends lang dapat.
Agad na sumakay ako sa tricycle. “Tara na po.” hindi na ako lumingon pabalik nang umandar na ang tricycle, diretso lang sa daan ang paningin ko. Hindi naman malayo ang bahay namin kaya mga ilang minuto lang ay nakarating narin ako sa bahay.
Nang buksan ko ang pintuan ng bahay namin ay ang tilian agad ng mga kapatid kong nag lalaro sa sala ang bumungad.
Nang makita nila ako ay nag si-unahan ang mga itong tumakbo palapit sa akin.
“Ate!” yumakap sa aking bewang ang kapatid kong si Faith o Pipit, Seven years old, Ang pangatlo sa amin.
Lima kaming magkakapatid at ako ang panganay. Gusto ko nga sana ay ako ang bunso, pero ano ba ang magagawa ko? Ginawa na akong panganay, e. Pero ayos lang naman, sa mga pinsan ko naman ay ako ang bunso kaya hindi na lugi. Hindi nagkakalayo ang edad namin ng mga pinsan ko, magkasabay atang nabuntis ang mga magulang namin, e.
Yumakap ako pabalik. “Hi, Nasaan si mama?” tanong ko.
“Nasa kusina, nag luluto.” sagot nito.
“'te! Bumili kang candy?” sumingit sa yakapan namin ni Pipit ang isa kong kapatid na si May Anne, Six years old, ang pang-apat. Ang kulot nitong buhok ay subrang magulo na ngayon. Parang galing lang nakipag sabunotan sa kanto.
I pinched her cheeks. “Candy na naman? Gusto mong maubusan ng ngipin, kulot?” hihingi pa ng candy, eh kunti nalang mauubos na ngipin nito.
Sumimangot siya bago tumalikod at hinila si Pipit upang mag larong muli. Hindi na ulit ako pinansin dahil na busy na sa laruan.
Nabaling ang atensyon ko sa baba when someone grabbed and tugged the hem of my shirt. It was Kyla, ang bunso sa aming mag kakapatid. Ang bebe namin.
Nang ngumiti siya ay bumungad ang bungi-bungi nitong ngipin, cute parin kahit 'di na kompleto ang ngipin.
YOU ARE READING
Whisper Of Destiny
Teen FictionAs far as Fritzelle Rullen remembers, she likes Leoniel Ensencio for over a year now, she would even do anything just to steal a glance at this particular guy. But, with just a small interaction with Noah Quiban- her enemy and new friend at the same...