Tahimik akong kumuha ng fried chicken sa plato na nasa table namin at kumagat ng malaki. Tahimik akong nakaupo sa upuan habang nakikinig sa kanilang nag uusap.
“Nag imbita si kuya Sandro, maliligo daw ng dagat sa sabado.” sabi ni Fiona.
Sandro Finn Dablio, ang kuya ni Fiona. Kilala ko ang kapatid niya, sino ba naman ang hindi makakakilala roon eh, ang sikat sikat nga nun sa school.
Captain ng Basketball player sa Lapasan National High School, Academic achiever iyon at gwapo.
“Sino-sino daw ba ang kasama?” tanong ni Kevin.
Medyo hindi ako relate sa pinag uusapan kaya nanahimik nalang ako habang kumakain. Si Noah lang naman ang close ko rito e.
“Mga kaibigan ni kuya, tapos tayo kung sasama kayo.”
Kagat kagat ko pa ang pakpak ng manok nang kalabitin ako ni Noah. Napabaling ako at nagtataka siyang tinignan bago ibinaba ang kinakaing manok.
“Bakit?” takang tanong ko, nakakunot pa ang noo.
“Gusto mo pa ng tapioka? Marami pa sa baba, ikukuha kita kung gusto mo pa.” mahinahong bulong niya.
Napatingin ako sa sa plastic cup na pinag lagyan ko ng tapioka kanina, ubos na nga ito, wala ng laman. Sinok na ang lahat.
“Pwede pa?” nahihiya kong sabi. Gusto ko ang tapioka nila, masarap. Lalo na at maraming mangga ang nakahalo. Kaya iyon ang inuna kong kinain kanina bago ang mga ulam.
“Oo. Saglit lang, kukuha ako.” ani Noah.
“Pwedeng padamihan narin ng mangga?” pahabol ko
Tumango siya at tumayo. Sa pagtayo niya ay napatingin sa kaniya ang mga kaibigan niyang nag uusap at kumakain rin. Nagtataka ang mga ito kung bakit siya tumayo kaya bago paman sila mag tanong ay agad ng nag salita si Noah.
“Kukuha lang ako ng tapioka sa baba,” ininguso niya ang plastic cup ko. “baka may gusto pa kayo? Ako na ang kukuha.”
“No. We're good.” ani Aloyd.
Tumango si Noah at tumalikod na paalis dala dala ang mga platong wala ng laman.
Nang balingan ko ang mga kaibigan niya ay agad akong napayuko dahil kapwa sila nakatingin rin sa akin. Hindi ko alam kung bakit nakatitig sila sa akin gayong wala naman akong ginagawa. Kung makatitig kasi ay parang inuusisa talaga ang pagkatao ko, jusko!
“There's really something going on between you, two.” mala pusang isiningkit ni Fiona ang mga mata.
“Anong something?” kuryosong tanong ni Kevin.
Mabilis akong umiling. “Wala.”
“Is he courting you, then?” ani Fiona.
Muli ay umiling ako. Bakit naman nila iniisip na nililigawan ako ni Noah?
“No.” matigas kong tugon.
“Eh bakit ang lapit niyo sa isa't isa?” ano ba 'to? Q and A? Andami naman nilang tanong. Why are they making it a big deal.
“We're friends. It's normal.” sabi ko.
Ano ba naman 'to sila. Syempre malapit kami sa isa't isa dahil friends kami. Katulad nila, 'di ba?!
“Hindi eh parang may–”
“Wala nga eh! Ang kulit nito!” busangot kong pag putol sa sasabihin niya.
Tumawa ang dalawa na parang hibang at tanging si Aloyd lang ang tahimik at walang pake sa paligid, nakadukdok kasi ang paningin nito sa cellphone niya't ang bilis ng mga daliri pumindot. I bet he's texting someone right now.
“Ah! How about you join us this Saturday, Fritz? Sumama ka sa amin maligo. Tutal ay friends naman kayo ni Noah, then that would make you our friends too.” suhestyon ni Kevin.
Umiling ako. Ayoko. Sigurado akong ma a-out of place lang ako kapag sumama.
“Oo nga! Sumama kana. Ang lungkot Kung ako lang mag isang babae ang kasama.” napanguso siya “Well actually, may mga kaibigan naman talagang babae si kuya na sasama, pero iba kasi kapag kaedad mo.”
Kahit pa nalaman ko nang mag pinsan sila ni Noah ay hindi parin mawala sa akin ang pagtataray kay Fiona. Hindi ko pa nakakalimutan ang elementary days namin 'no! Inagawa niya si Leo sa akin—dahil lang sa mas masarap ang baon niya.
Napabusangot ako matapos maalala ang nangyari noon.
Ayoko paring sumama. Ang awkward lang kapag sumama ako. Hindi naman ako kilala ng kuya niya, at hindi ko rin naman sila gaanong ka close sila Fiona kaya mahirap.
Umiling ako. Sakto rin ang dating ni Noah. Inilapag niya sa harapan ko ang isang bowl ng tapioka.
“Anong pinag-uusapan niyo?” mabilis na umayos ng upo si Noah sa pwesto niya kanina.
“Isama natin si Fritzelle sa sabado, sasama ka 'di ba?” sabi ni Fiona.
Noah's head moved as he look at my direction. Umiling ako para ipakita sa kaniya ang pagtanggi ko. Baka hindi rin ako payagan ni mama lalo na at walang kasama ang mga kapatid ko sa bahay sa sabado dahil may trabaho sila ni papa.
Mukhang nahinuha agad ni Noah ang pag alma ko dahil agad itong tumango. “She can't.” baling niya kina Fiona.
Nanghihinging paumanhin akong ngumiti sa mga kaibigan niya.
IT WAS almost 11 PM ng maisipan kong umuwi na. Halos hindi ko na namalayan ang oras kung hindi lang ako sinabihan ni Noah'ng umuwi na dahil malalim na ang gabi. I enjoyed myself to much on the food.
“Ma, ihahatid ko lang sila,” ani Noah.
Kahit maghahating gabi na ay marami parin sa bisita nila ang hindi pa umalis. Lumapit sa amin si Tita Naia habang may dalang paper bag. Isa-isa niyang ibinigay sa amin iyon.
“Mag iingat kayo pauwi ha, huwag ng pumunta sa kung saan, uwi agad.” pag bilin nito bago kami lumabas ng bahay nila.
Pag dating namin sa sakayan ay isang tricycle lang ang nakapasada. Makulimlim pa ang langit at mukhang uulan. Unang sumakay si Fiona. Dalawa lang ang kasya sa loob, at isa naman sa likuran ng driver. Kung sasabay ako sa kanila ay hindi kami magkakasya.
Naunang umupo si Aloyd sa likuran ng driver at si Kevin ay nanatiling nakatayo sa gilid. Iminuwestra nito ang bakanteng upuan katabi ni Fiona.
“Sumakay kana. I can wait for another tricycle,” sabi niya.
Tinanaw ko ang tahimik na kalsada. Nagba-bakasakaling may dumating na isa pang tricycle. “No, ayos lang ako. Sumakay na kayo, ako nalang ang maghihintay dito.” ngumiti ako.
“Umalis na kayo, Kev. Sasamahan ko siya rito,” ani Noah.
Tumango ang lalaki bago sumakay na. Tahimik na tinanaw namin ang papalayong tricycle. “Do you have plans tomorrow?”
Sinulyapan ko siya. “Wala, bakit?” sabi ko.
“I'd like to show you something, tomorrow.” pabulong niyang sabi.
Hindi ko maiwasang hindi siya titigan ng matagal. Honestly, i don't know what to do. Tipid at nahihiya niya akong nginitian ng mapansin ang paninitig ko.
“O...kay,” tumungo ako at tumulala sa lupa.
Nang dumating ang tricycle ay napaayos ako ng tayo. “Ah, may tricycle na.” sinulyapan ko siya ulit at nakitang nakatingin siya sa paparating na tricycle. He looks bothered by something.
“Then, i'll see you tomorrow,” hinintay niyang makapasok ako bago nag salita ulit. “Goodnight,”
“Okay. Goodnight... Noah.” sabi ko.
That night, I couldn't sleep. Hindi ko mawari kung dahil ba iyon sa insomnia ko o dahil sa kaisipang na i-excite ako sa mangyayari bukas. Buong gabi ay iyon ang laman ng utak ko dahilan kung bakit mag-uumaga na akong nakatulog.
It was already bright outside when I woke up. Mabilis akong napabangon sa kama at natatarantang tumingin sa orasang nakasabit sa dingding ng kwarto ko.
It was freaking twelve in the afternoon! I am late for school!
Signorina
YOU ARE READING
Whisper Of Destiny
Teen FictionAs far as Fritzelle Rullen remembers, she likes Leoniel Ensencio for over a year now, she would even do anything just to steal a glance at this particular guy. But, with just a small interaction with Noah Quiban- her enemy and new friend at the same...
