“Anong plano niyo ngayong bakasyon?” masiglang tanong ni Rose. Ibinaba niya ang hawak na tumbler.
Komportableng naupo ako sa bench dito sa plaza, katabi ko si Kissa, sa gitna namin ay ang round table na gawa sa semento. Si Rose at Meriana naman ay kaharap namin.
It was lunch time at naisipan naming mag kakaibigan na sa plaza kami kakain. Katatapos lang naming kainin ang pagkaing dala at napag pasyahang mamaya na kami aalis.
Sa totoo lang ay wala pa talaga sa plano ko kung anong gagawin ngayon bakasyon. Ang dami ko ng iniisip kaya hindi makasingit sa utak ko ang pag babakasyon o kung saan.
Tumingin ako sa kanila bago umiling. Siguro ay sa bahay nalang ako o 'di kaya ay kung gusto ni mama na tumuloy kami sa Kinoguitan ay sasama ako.
Maganda roong mag bakasyon dahil bukod sa presko ang hangin ay malapit lang din sa dagat kaya swak ang summer ko ro'n.
Kaya nga lang ay kapag natapos na ang bakasyon at balik eskwela na naman ay talagang para na akong pininturahan ng putik dahil kayumanggi na nga ang kulay ko ay mas magiging kayumangi pa ito, nagiging ka kulay ko na pati ang putik.
At ang dahilan lang niyon ay ang dagat. Alam niyo naman kapag naliligo ng dagat lalo na at mainit ang panahon ay talagang mangingitim kayo. O ako lang talaga ang madaling mangitim kahit isang araw lang nag dagat.
“Hindi ko pa alam eh,” sabi ni Kissa.
“Ikaw ba, Rose? Anong plano mo?” tanong ni Meriana.
Bumungisngis si Rose bago tumugon. “Sa bahay lang, mag babasa.” huli! Isa din sana iyon sa plano ko, pero na alala ko, wala pa pala akong librong pwedeng basahin dahil hindi pa ako nakabili, gusto ko rin ng libro pero nakakasakit naman sa bulsa ang presyo, subrang mahal, hindi ko keri.
“Hanep! Dami mo ng collection ng books ah,” sabi ko.
“Yup, kakabili ko nga lang kahapon ng isa pang libro, alam mo na, dagdag collections na naman,” matapos ay mahina itong humalakhak.
Ang d'yahe talaga, naiinggit ako, wala akong pera, kaloka.
“Pa borrow ako no'ng libro mo kay Sheburnnn, ha, please,” kung hindi ako makakabili, hihiram nalang ako, ang talino ko talaga!
“Of course naman, sure, sure! Dadalhin ko bukas.” uwah!
“Yes! Thank you, Rosie!”
“Bookworm,” bulong ni Meriana pero rinig naman namin kaya tumawa kaming lahat.
“Malapit na mag 1 PM, let's go na?” ani ni Kissa matapos niyang tignan ang relong suot.
“Tara na.” Agad kaming tumayo at kaniya-kaniyang binitbit ang maliit na paper bag na nag lalaman ng lunchbox namin.
Mag katabing nilakad naming apat ang daan, tumigil kami sa may pedestrian lane, buti nalang talaga at may dala kaming mga payong dahil subrang init na naman ngayon.
Nag taka ako ng makitang itinaas ni Rose ang kamay niya, may tinuturo. “Si Kevin!” sabi niya.
Nang tignan ko ang banda kung saan siya nakaturo ay nakita ko nga roon si Kevin Gotaya, pero familiar din 'yung lalaking katabi niya.
Naka tigil ang tatlong lalaki sa gilid ng tindahan, may pinag uusapan. Kaya naman pala familiar! Si Noah 'yon, e.
“Si Noah din,” bulong ko.
“Huh? Sinong Noah? 'yan ba yung kalaban mo sa room niyo?" Bulong pabalik sa akin ni Rose. Narinig niya siguro 'yung ibinulong ko dahil mag katabi lang kami habang nag hihintay na tumigil na ang mga sasakyan.
YOU ARE READING
Whisper Of Destiny
Fiksi RemajaAs far as Fritzelle Rullen remembers, she likes Leoniel Ensencio for over a year now, she would even do anything just to steal a glance at this particular guy. But, with just a small interaction with Noah Quiban- her enemy and new friend at the same...
