nang sinabi mong 'tatlong bilyon, siya lang ang iyong gusto'
paano naman ako na umiibig saiyo ng patago?
na siyang nasa tabi mo nang iwan ka niya sa ere?
na siyang nagmukha ring tanga habang nagtanga-tangahan ka sa kaniya?
bilyong tao, sayo lang din ang puso ko
ayaw mo mang mabuhay sa mundong wala kayo
hindi ba pwedeng ako naman ang ibigin mo?
BINABASA MO ANG
Alimpuyo ng mga Salita
PoetryMalayang taludturan na mga tula. *** Sa pagsisimula at pagtatapos ng bawat araw, mga salita'y di sa akin humuhupa. Nagpaparamdam at nagpapa-alala na isulat ko sila. Impressive Ranks: #79 in poetry #69 in poetry #40 in poems 🌻