Sana sa pagtulog ko, sakit ay unti-unting nababawasan.
Sana sa bawat pagpikit ng mata ko, tagpong iyon ay aking malimutan.
Sana sa paglipas ng bawat segundo, minuto, at oras, unti-unti ka ring mawala sa aking isipan.
Sana... sana ganun kadali tanggalin lahat ng pighati't sakit na idinulot mo sa akin.
BINABASA MO ANG
Alimpuyo ng mga Salita
PoetryMalayang taludturan na mga tula. *** Sa pagsisimula at pagtatapos ng bawat araw, mga salita'y di sa akin humuhupa. Nagpaparamdam at nagpapa-alala na isulat ko sila. Impressive Ranks: #79 in poetry #69 in poetry #40 in poems 🌻