Ting!
Ting! Ting! Ting! Ting! Ting!Sunod-sunod na notification sound mula sa aking cellphone.
"Kumusta ka?"
Salitang bumungad sa akin na siyang pumukaw ng aking pansin.
isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo, siyam, sampu
Sampung segundo na ang nakalipas, pero heto ako, nakakatitig pa din sa tanong mo. Hindi ba'y napakasimpleng katanungan lamang nito? Ngunit sa kailaliman ng utak ko, tila ba naghuhukay ako ng kasagutan.
Katotohanan o kasinungalingan? Yan ang unang naproseso ng utak ko.
Munting saya ang naramdaman ko sapagkat naisipan mong mangumusta. Ngunit kaakibat nito ay ang pangamba. Makakaya mo ba ang bigat ng tugon na ibibigay ko? Hindi ka ba tulad ng iba na makikita lamang ito bilang isang drama?
Saan ba ako magsisimula? Sa maikling katanungan mo, ang haba kasi ng isasagot ko.
Sampung minuto ang nakalipas at ako'y unti-unting nagtipa.
"Pago..."
...
"Okay lang. Ikaw, kumusta ka? :)"Sa tanong na "kumusta ka?", ilang beses mo ito sinagot na okay ka kahit alam mong hindi naman pala?
BINABASA MO ANG
Alimpuyo ng mga Salita
PoetryMalayang taludturan na mga tula. *** Sa pagsisimula at pagtatapos ng bawat araw, mga salita'y di sa akin humuhupa. Nagpaparamdam at nagpapa-alala na isulat ko sila. Impressive Ranks: #79 in poetry #69 in poetry #40 in poems 🌻