Hanggang ngayon,
di pa rin mawala sa isipan ko.Ano ang pinagkaiba,
ng mga katagang-
Mahal Kita.Na binigkas ko at niya?
Paanong mas ginusto mo siya,
gayung pareho lang kami ng nadarama.Mas matamis ba-
ang pagbigkas niya ng mga salita?Mas kinilig ka ba-
nang sabihin niya iyon
habang nakatingin sa iyong mga mata?Mas nadama mo ba-
ang kapangyarihan ng mga katagang iyon
nang manggaling ito sa mapupula niyang mga labi?Sabihin mo,
saan kami nagkaiba?Sapagkat hindi ko pa rin maintindihan
bakit siya?
.
.
.
at hindi ako?
BINABASA MO ANG
Alimpuyo ng mga Salita
PoetryMalayang taludturan na mga tula. *** Sa pagsisimula at pagtatapos ng bawat araw, mga salita'y di sa akin humuhupa. Nagpaparamdam at nagpapa-alala na isulat ko sila. Impressive Ranks: #79 in poetry #69 in poetry #40 in poems 🌻