Nakakahilo.
Alam mo yun?
Yung andaming salita,
pangungusap na pumapasok sa isip mo.
Minsan tuloy-tuloy,
minsan naman paputol-putol.
Minsan wala lahat koneksyon.
Magsusulat ka pero minsan nakakapagod.
Lahat halos hindi matapos-tapos.
Gusto mo lang din ibahagi sa iba
ngunit lalaitin pa.
Titigil ka.
Pipiliting isantabi
yung mga namumuong ideya
sa isip mo.
Pero ayan nanaman sila.
Mas lalong dumadami.
Mas lalong nagpapahiwatig na isulat mo.
Mas lalong nanggugulo.
Kaya pasensiya na.
Oo. Ikaw.
Pasensiya na kung di mo gusto
ang mga nababasang akda ko.
Pero hindi na muli.
Hindi na ulit ako titigil.
Gusto ko lang lumaya.
Kaya kung ayaw mo'y pwede din namang balewalain.
Gusto ko lang lumaya,
sa mga salitang nakakulong sa utak ko.
Gusto ko lang makawala,
sa gulo ng isip ko.
Kaya magsusulat ako.
Sa ayaw at sa gusto mo.
BINABASA MO ANG
Alimpuyo ng mga Salita
PoesiaMalayang taludturan na mga tula. *** Sa pagsisimula at pagtatapos ng bawat araw, mga salita'y di sa akin humuhupa. Nagpaparamdam at nagpapa-alala na isulat ko sila. Impressive Ranks: #79 in poetry #69 in poetry #40 in poems 🌻