Ikaw Muna, Bago Siya

13 1 0
                                    

"Mahal mo? "
Oo.

"Mahal ka ba?"
Ewan?

"May mahal bang iba?"
Siguro?

"Anong hinihintay mo?"
Ah... mapansin niya ako? Na makita niyang ako yung laging andiyan sa tabi niya? Na mahalin niya rin ako?

"Hmmn... so gusto mong ibalik niya ang pagmamahal mo sa kaniya?"
Oo, hindi ba ganun dapat?

"Ahhh... ganun ba dapat yun? Hindi ba kung mahal mo siya talaga, hahayaan mo siya sa gusto niya? Paano kung hindi ikaw yun? Anong gagawin mo? Aagawin mo siya? Ipipilit mo sarili mo? Hindi dapat ganun. Alam kong mahal mo siya pero huwag mong ibaba ang sarili mo dahil lang sa di niya masuklian ang pagmamahal mo sa kaniya. Huwag mong ipagsiksikan ang sarili mo sa taong hindi naman ikaw gusto.

Pakiusap... piliin mo naman muna ang sarili mo.

Alimpuyo ng mga SalitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon