Akala mo'y wala siyang ni isang problema.
Pighati't pangungulila ay di niya raw nadarama.Sa tuwing kinakausap makikita mong kumikislap ang kaniyang mga mata.
Kislap na di mo mawari kung
ito ba'y dahil sa kaniyang kasiyahan o sa tinatagong kalungkutan
na sa ngiti lamang niya idinadaan.Hangad niya na tulad ng iba masagana ring mamuhay ang kaniyang pamilya.
Kung saan nabibili lahat ng pangangailangan nila.
Buhay na masaya kasama ang buong pamilya.
Ang pakiramdam na wari'y walang ni isang problema.
Naibibigay lahat ng gustuhin ng mga kapatid niya.
Maipatira sa bahay na maganda ang mga magulang niya.Kaya naman dugo't pawis niya'y inilalaan niya para sa pag-aaral.
Pag-aaral na tiyak magdadala sa kaniya sa tugatog ng tagumpay.
Ngunit hanggang saan pa ang kaniyang pakikipagsapalaran?
Kung ang inspirasyon niya sa buhay ay tuluyan na siyang iniwan.Wala na ang kaniyang lakas, unti-unti ng naglalaho.
Nawala ang nagbibigay kulay sa mundo niyang tila impiyerno.
Nagsisimula pa lamang siyang lumago, ngunit inabandona na.
Paano pa niya maabot ang tuktok kung wala ni isang nag-aaruga?
Sa tingin niyo ba'y makakaya pa niyang mamulaklak na wala ang tulong ng iba?Di na niya makakaya pa ang mamunga kung siya'y mag-iisa.
Sa mundong abusado na ng mga taong mapagmataas at sakim.
Tiyak siya na'y aalisin kahit pilitin parin niyang umahon sa dilim.
Sa mundong walang silbi ang mga halamang di kabigha-bighani.
Pinipilit pa rin niya ang mabuhay ngunit unti-unti ay namamatay.
Wala ng nagdidilig, nagbibigay aruga't pagmamahal.
Makikita mong sa panlabas na anyo ay nakakaakit pa rin siya.
Ngunit buksan mo ang kaniyang puso, buong lakas niya itong isasara,
pagkat pipiliin niyang huwag mong makita na unti-unti ito'y nalalanta.
BINABASA MO ANG
Alimpuyo ng mga Salita
PoetryMalayang taludturan na mga tula. *** Sa pagsisimula at pagtatapos ng bawat araw, mga salita'y di sa akin humuhupa. Nagpaparamdam at nagpapa-alala na isulat ko sila. Impressive Ranks: #79 in poetry #69 in poetry #40 in poems 🌻