Sabi nila, sa dulo ng bahaghari
may ginto.Sa dulo daw ng mundo,
sabi noon, yaman na di mo inakala
ay iyong matatagpuan.Pero tayo, anong naghihintay sa dulo?
Saya?Sakit?
Pagpapalaya?
O ang patuloy na pakikipag kumpetensiya ko,
laban sa taong mahal mo?Ngunit, yun nga ba talaga ang tamang tanong?
Hindi ba, ano nga ba tayo?
Meron?
Wala?
O pampalipas oras mo ako
sa tuwing wala siya sa piling mo?
BINABASA MO ANG
Alimpuyo ng mga Salita
PoetryMalayang taludturan na mga tula. *** Sa pagsisimula at pagtatapos ng bawat araw, mga salita'y di sa akin humuhupa. Nagpaparamdam at nagpapa-alala na isulat ko sila. Impressive Ranks: #79 in poetry #69 in poetry #40 in poems 🌻