Tagu-Taguan 1

18 1 0
                                    

Tagu-taguan maliwanag ang buwan
Makabilang ng sampu nakatago na kayo

ISA!
Alam ko ang pag-ibig na iyong nadarama.

DALAWA!
Magaling ka sanang magtago,
yun nga lang ako ang taya.

TATLO!
Nalaman ko agad, kitang-kita naman sa iyong mga mata.

APAT!
Pero bakit kasi sa kaniya pa?

LIMA!
Hindi ba pwedeng ako nalang sana?

ANIM!
Paano kaya kung tayain kita?

PITO!
Posible bang malaman mo rin kung kanino tumitibok ang puso niya?

WALO!
Malay mo, nasa iyo rin pala?

SIYAM!
Pero huwag nalang pala, baka masaktan ka pa.

SAMPU!
Ako nalang... hanapin ko muna kung karapat-dapat siya sa iyo. Kung hindi, edi habang-buhay, ako nalang ang taya sa tagu-taguan na ito.

Sa pagmulat ng aking mata, saktong-sakto sa pwesto mo.
Nakita na kita, matagal na.
Pero katulad ng sabi ko, ako ang laging taya sa larong ito.

[ "damdaming nakatago" ] 🌻

Alimpuyo ng mga SalitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon