Ang sabi mo babalik ka.
Sabi mo pa hintayin kita.
Akala ko hahanapin mo lang ang papel mo sa mundong ito.
Sisikapin mong matagpuan ang sarili mo.
Katulad ng iba ay hinayaan kita.
Hinintay kita.
Minahal, kahit malayo ka.
Ngunit sa iyong pagbabalik,nahanap mo na nga ang iyong papel sa mundong ito,
ako naman ang nawalan ng papel sa buhay mo.
BINABASA MO ANG
Alimpuyo ng mga Salita
PoesíaMalayang taludturan na mga tula. *** Sa pagsisimula at pagtatapos ng bawat araw, mga salita'y di sa akin humuhupa. Nagpaparamdam at nagpapa-alala na isulat ko sila. Impressive Ranks: #79 in poetry #69 in poetry #40 in poems 🌻