Pangalawa

19 3 0
                                    








"So, sa tatlong grupo na nagpasa ng composed song. Isa lang ang may lyrics na tagalog. And I really appreciate it."



Nag palakpakan kaming lahat, showing respect sa bawat isa. And also syempre, para narin sa puna ng prof.


Baka group namin 'yon, duh! Hahahah


"I appreciate their lyrics. Why? It's because mas ramdam. Mas nakakakilig, mas may connection sa makikinig. I am not sure if the group that created this is in love. hahaha. So they will be the one, who has the highest score today."


Nag palakpakan muli ang lahat sa speech ng prof namin.


"Whoo! Paburger ka naman, Hopya" sigaw ni Joy


Napasiring ako sa ere sa sigaw nya.


Napaka plastic. Kadiri!


"Okay, guys. Dahil dyan id-dismiss ko kayo ng maaga. Also, may meeting din kame para sa acquaintance na gaganapin for seniors. See you tomorrow"


'Pag kalabas ng prof namin ay kanya kanyang pwestuhan ang mga kaklase ko. Ang iba ay nag aayos na ng mukha kase uwian na naman.


"Masha, punta ka saamin." tapik sakin ni Irish habang nagre-retouch na


Niligpit ko muna ang gamit ko bago kinuha ang suklay sa bag para naman kahit papaano ay maging presentable ako.


"Ano namang gagawin ko sainyo?"

"May practice sila kuya"

"What? Hindi mo agad sinabe? Peram ako ng liptin mo, dali!" yugyog ko sa balikat nya

"Teka lang teh ha. Gamit ko pa e. Magantay ka" masungit nyang sagot saakin


Napa-pout ako sa pag susungit nya saakin. Pero nag antay narin sa turn ko para gamitin yung make up kit nya.

Okay, may practice ang band ng kuya nya! Ang kuya nya ay si Hush, okay?

Yes po, twin brother nya si Hush. Sobrang magkalayo lang sila ng ugali. Si Hush, conyo at pala kaibigan. Eto namang bestfriend ko, napaka straight forward at walang pakielam sa kung anong sasabihin nya.

Anyway, lumalayo na tayo. So ayon nga! May practice sila Philip!

Opo ulit, bandmates sila! Si Philip as pianist, si Ester as basist, Hush as drummer, Chris as lead guitarist, and Hope as Singer and acoustic guitarist. Since high school ay may banda na sila. Kaya since high school crush na crush ko na si Philip. He can sing too! Minsan kapag masama ang pakiramdam ni Hope, sya ang na kanta. I actually always imagining that Philip is singing to me. Like, omyghad! I'm gonna die


Char hahaha! Hindi pa pwede hangga't 'di pa kami kinakasal Hahaha!


Melodies of Unconditional LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon