Pang-Anim

20 3 0
                                    


"Mashaaaa!"

Aghh!! Ano bayan? Napaka aga pa!!

Pakiramdam ko ay wala akong tinulog. Mag aalas dos na kami nakauwi ni Hope, buti at hindi ako inaantay ni Lolo sa gate, kung hindi yari ako non 'pag ganon.

"Hoy ano, Masha? Aba, bangon bangon kanina pa kita ginigising" sigaw ni Ate mula sa pinto at nakahawak pa sa pinto

"Ano ba 'yon 'te? Ka-aga mo naman magingay." kamot sa ulo kong bangon at umupo muna kasi pakiramdam ko ay naliliyo ako sa pagkakabangon

"Ay sis, may nag aantay talaga sayo. Kanina pa nag aantay si Philip sa salas"



Philip? Si Philip? Nasa salas???

Nanlaki ang mga mata ko at dali daling tumayo para maghanda ng damit at kumuha ng tuwalya para makapag ligo na agad.



Oo nga pala, shems. Nakalimutan ko



"Palabas na 'yon, nasa banyo na e. Kape gusto mo ba?" rinig ko pang usap ni Ate kay Philip

Hindi ko na narinig pa ang pinagusapan nila dahil nagbuhos na ko ng tubig kahit na napaka lamig. 

Bakit kasi nakalimutan ko? Hindi ko tuloy napaghandaan. Napag antay ko din sya. Nakakahiya!

Kasalanan 'to ni Hope e. Kung ano anong sinasabe. Patay sakin 'yon mamaya!

Hindi na ko nagtagal pa sa banyo at lumabas na din ako. Buti nalang at maayos kong naitutupi ang mga damit kong panglakad kaya kahit hila lang ng hila ay maganda ang nakukuha kong mga damit. Nagmadali na din akong magblower at mag lagay ng sunscreen. Konting blush on sa pisngi, liptint at polbo.

Kinuha ko na ang bag ko at tumingin muna sa salamin bago lumabas. Simple lang naman ang suot ko kasi may klase din kami mamayang after lunch. Nag polo cropped top at high waist maong pants lang ako at vans shoes. Nilabas ko ang perfume ko sa bulsa ng bag ko at nagspray sa leeg, sa may pala pulsuhan at sa may balikat bago lumabas ng kwarto.



'Pag kalabas ko ay nag cecellphone na lalakeng gwapong gwapo sa black tshirt at maong pants ang nakita ko.



"Philip" tawag ko sakanya

Nilingon nya ko at binaba ang cellphone bago ngumiti.

"You ready?" nakangiting tanong nya saakin

Halaaa, bakit nakangiti! Parang tanga 'to!

Tumango lamang ako at ngumiti din sakanya. Tumayo sya at inayos ang bag na dala.

"Oh andito na pala ang prinsesa. Aalis na ba kayo?" labas ni ate mula sa kusina

Siniringan ko lamang sya at hindi sinagot

"Ah opo, alis na po sana kame. Salamat nga po pala" magalang na sagot ni Philip sakanya

Tumango lang si ate sakanya at lumabas na din kame.

Naabutan nya kaya sila Mama ?

Habang naglalakad palabas ng compound namin ay nag check muna ako ng phone para tingnan kung may nag chat or text sakin.

From: Bestie

Te, ano? Nakauwi kaba ng buhay?

From: Hopyanget

Melodies of Unconditional LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon