Pang Walo

17 4 0
                                    



"MASHAAAAAA! TANGHALIAAN NAAAA!?" sigaw ni ate mula sa salas


Kinuha ko ang phone ko sa side table ng bed ko at nagcheck ng socmed. Nakita kong may notif ako sa ig at messenger. In-open ko muna yung sa ig ko kasi dalawa lang naman yung notif doon.


@c.irish: mentioned you in a story


Tinignan ko kung anong story yung minention saakin ni Irish.


Bwisit ka talaga Irish!!!!


Kunot noo kong nihold ang phone ko para makita ko maigi yung story nya. At walanghiya, ini-story lang naman yung busangot kong mukha kahapon habang nakatingin kay Hope at nakikinig.


May naka caption pang "singerist yan HAHAHAHAHA" 


Siniringan ko ang screen ng phone ko bago nag tungo sa messenger at nagtingin ng mga messages malamang.


Irish Cullen: Te, kantahan mo ko ha! HAHAHAHA

Vivianne Cruz: Nak, may seminar ako aattend-an. Kayo na bahala dyan ng ate mo.

Asher Cruz: Kamusta kayo dyan anak? Malapit ng umuwi si papa. Ggraduate kana din anak.


Napangiti ako sa chat ni papa. Kasi halos ilang taon din syang hindi bumaba ng barko para lang mapagtapos ako. Nireply-an ko muna silang lahat at ang mga gc na nakaunread ay ni-mark as read ko lang.

Tumayo nadin ako ilang scroll pa sa tiktok dahil alas onse na ng tanghali. 


Dumeretso muna ako ng banyo para makapag hilamos at mumog. Nag suklay na din ako ng buhok sa harap ng vanity table ni ate bago lumabas ng tuluyan.


"Ate kakain--"

"Oh, ayan na pala eh"

Nanlaki ang mata ko sa gulat nang paglabas ko ay si Hope ang nakita kong kakwentuhan ni ate.

"Anong ginagawa mo dito!?" singhal ko sakanya

"Uh-oh, excuse muna ako ha. Initin ko muna yung ulam at kanin." exit ni Ate na sa gitna pa namin dumaan

"Mash, look--"

"Ay, wag mo ko malook look, Hopya! Nabwbwisit ako sayo!?" tinalikuran ko sya at sumunod kay ate sa kusina na nag iinit nga ng ulam at kanin naman sa rice cooker


"Oh? Tapos na gyera?" natatawa nya pang tanong


Nakapamewang akong bumuntong hininga bago sumagot sakanya.


"Bakit mo pinapasok 'yon dito!?" 

"Aba malay ko bang LQ kayo!" ngisi nyang sagot bago nilagay sa plato ang ininit nyang manok


Anong LQ!? 


Sumandal ako sa sink at pinagmasdan lang ang ginagawa nya. Nilagay nya sa kalan ang kalderong may laman ng kangkong na adobo at ininit din ito. Inalis nya naman ang saksak ng rice cooker bago ito nilabas at nilagay sa lamesa. Nang makabalik sya ay binalingan nya ko at sya naman itong nag pamewang saakin.

Melodies of Unconditional LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon