Pang Sampu

13 2 0
                                    


Lumipas ang Linggo na napaka saya at hinding hindi ko makakalimutan! Hindi ko na din nga masyadong naisip ang pag walk out nila Joy at Hope. Dahil hindi ko na makalimutan si Philip!


Umamin lang naman saakin ang aking Philip!


Nangingisi ngisi ako habang nagbibihis ng uniform dahil fresh na fresh parin sa utak ko ang nangyari sa bar na iyon.


Akalain mo yon? Mutual feeling pala tayo HAHAHAHA


"Hoy , Masha andito na si Philip!" kalabog  ni  ate  sa   pinto ng kwarto namin

"Oo sige, palabas na!" sigaw ko pabalik


Nag suklay ako sa harapan ng vanity ni Ate. Nag sunscreen narin at nag liptint. Nagmascara at nag curl nadin ako ng lashes. At bago lumabas ay nag spray muna ako ng pabango.

Nang masatisfy ako sa itsura ko ay kinuha ko na ang bag ko at lumabas ng kwarto ng nakangiti.


"Hi!" ngiti ko kay Philip


Ngumiti din sya saakin ng napaka tamis at lumapit.


"Tara na?" 


Tumango ako sakanya kaya naman nauna na syang lumabas. Bago ako sumunod sakanya ay nagpaalam muna ako kay ate na nasa work room nya.


"Alis na kame, te"


Sumenyas lang sya ng babye dahil may kausap syang kliyente kaya naman ay lumabas na ko.


Nakita ko si Philip na nag aantay sa labas ng gate at palinga linga pa sa bahay namin.


HAHAHA ang cute nya!


"Sorry, nagpaalam pa ko kay Ate eh" pagpapaalam ko sakanya kung bakit huli na akong nakasunod sakanya.

"Shoot! I forgot to say goodbye!"


Balak nya pa sanang bumalik ng bahay pero pinigilan ko na sya.


"H'wag na, napag paalam na kita. Busy na 'yon sa work hehe" 


Tumango lamang sya at nagpara na ng tricycle para makasakay kami pabayan. Pina una nya akong makasakay para sa loob ako at sya ay sa bukana ng tricycle.


Sweet shet!


"Bakit pala hindi ko nakikita ang parents mo?" tanong nya saakin habang nagpupunas sya ng pawis gamit ang panyo nya


"Si mama, laging maaga naalis yon. Kasi may 6am class syang tinuturuan eh. Si papa naman nasa barko. Seaman si Papa. Kung sakali, this graduation ko makakauwi na din sya" nakangiting kwento ko sakanya

Melodies of Unconditional LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon