Sa dami dami kasing ipapalusot ko, yon pa naisip ko! Atsaka bakit ba nag presinta pa 'tong si Hope. Dapat si Philip nalang eh!
"Bakit ba nakabusangot ka dyan?"
"Tinatanong mo pa, e ikaw ang kasama ko"
As of now, nagaantay kami ng jeep na masasakyan namin papunta ng bayan para doon ako makasakay ng tricycle. Medyo may kalayuan din kase ang school namin sa bahay namin.
Hindi din nag tagal ay may tumigil na jeep sa harapan namin na papuntang bayan ang signboard. Akala ko ay hanggang sakayan ng jeep lang ako ihahatid ni Hope pero pagkasakay ko ay sumakay din sya at tumabi pa saakin.
Ang kapal ng mukha
"Anong ginagawa mo sis?" nakangiwing tanong ko sakanya
"Bayad po, makikiabot. Dalawa po 'yan estudyante. Sa bayan lang po"
Nakangiti pa, nakakabwisit!
"Ano? Nakatitig ka na naman saakin. Baka crush mo na talaga ako ha" ngising asar nya
"In your dreams! Tinitignan ko lang kung moveable ba yang nunal mo" siring ko naman sakanya habang tinuturo turo pa ang nunal sa labi nya
"Lagi mong pinapansin yan. Gusto mo siguro ako halikan no?"
"What the? Apaka assuming mo naman marecakes!" amba ko sakanya
Tinawanan nya lang ako at hindi na sumagot pa. Humawak sya sa handle bar habang nakatingin sa labas at hinahangin ang buhok,
Hindi nyo pa nga pala alam ang itsura ni Hope. Well, wala namang special. Mahaba buhok. May highlights ang unahan, na parang kay Jennie Kim. May nunal malapit na malapit sa labi. Matangos ang ilong, kitang kita lalo na sa ganitong view nya na nakatagilid sya. Mapanga, maganda ang baba. Plump ang lips. Tapos singkit. Kapag natawa, hindi mo na makita mata nya na bumagay sa makapal nyang kilay. Hindi din sya maitim. Makinis ang balat, parang babae nakakainis. May hikaw, para daw maangas sya. At mabangong tingnan. Well, sabi ko naman sainyo. Nothing special.
"Hoy tara na, nagpara na ko"
Bumalik ako sa ulirat ng tapikin nya ko at hinila pababa ng jeep. Tumawid kami sa sakayan ng tricycle ng hindi parin binibitawan ang palapulsuhan ko.
"Okay kalang ba talaga?" tanong nya ng makasakay kami ng tricycle
Hinawakan nya pa ang noo ko para icheck kung may lagnat ba ako kaya napaiwas ako.
Baka mahalata ako na wala talaga akong sakit hahaha!
"Oo, kaya ko pa no! Bakit ba?" iwas ko sakanya at binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak nya
Inipit ko sa likod ng tenga ko ang nakaharang na buhok sa mukha ko bago umayos ng pagkakaupo.
"Sungit mo naman, ms." nakangiting asar nya pa
"Pakielam mo ba! Tyaka bakit sumakay kapa? Hindi mo na sana ako ihatid sa bahay"
BINABASA MO ANG
Melodies of Unconditional Love
FanfictionPag-ibig sa Musika? Musikang may pag-ibig? Pag-ibig at Musika? Musika ng pag-ibig.