Labing Lima

9 0 0
                                    


"Pinag tri-tripan mo ba ako, Hope?" tanong ko ng makababa sya ng stage


"Ano?" gulat na tanong nya at parang takang taka pa


"Stop it. Kung naawa ka lang sa akin, okay lang ako. Hindi mo kailangan gumawa ng ganoong eksena" 


Inayos ko ang pinagkainan bago tumayo at binitbit ang bag.


"Tara na, umuwi na tayo" masungit na sambit ko


"Hindi kita pinagtri-tripan, Masha" 


Napatigil ako sa paglalakad dahil seryosong pagkakasabi nya. 


Ano bang trip nya!? Napipikon na ako.


"Kahit kailan, Masha. Kahit minsan, hindi ko naisipang paglaruan ka." mas seryosong usal nya


Hindi ko sya sinagot but I stayed not facing him. 


Hindi ko ata makakayanan makitang seryoso sya. 


"Tara na" sabi nya ng isa saamin ay wala ng nagsalita


Nauna sya saking maglakad paalis kaya buntong hininga ko syang sinundan.










"Hoy!" 


"Ay gusto kita!"


Shet!


Gulat na tumingin saakin si Philip, Ester at Hope dahil sa sigaw ko.


Umiwas ako ng tingin sakanila at pinag hahampas nalang ang braso ni Irish.


"Bwisit ka! Bakit ba kasi nang gugulat ka?" 


"Te! Kanina pa kasi kita tinatanong kung anong kanta ang napili mong ituro saamin. Hindi mo naman ako pinapansin" siring nya


Tumigil ako sa paghampas sakanya pero nanatiling masama ang tingin ko.


Nasabi ko tuloy yung iniisip ko!


Tatlong araw simula nung umalis kami ni Hope at kumanta kanta pa syang hindi ko malaman ay nandito kami ngayon kila Irish para mag practice sa nalalapit na Acquaintance.

Melodies of Unconditional LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon