Labing Anim

9 0 0
                                    




Ester's POV


"Tsk. Trust daw? Gago" bubulong bulong ni Hope sa tabi ko


"Hoy, pre! Walang ganyan. Para kang sinasapian d'yan eh!" tulak ko sa braso nya


"Manahimik ka nga!" singhal nya saakin


Umilag ako kunyari sa pag sigaw nya pero patagong tumatawa sakanya.


Eto naman kasi bestfriend ko napaka bagal dumiskarte! Akala mo palaging tuod. Akala mo kahapon lang pinanganak.


"Bakit kasi ayaw mo pang umamin?" bulong ko sakanya habang tinatago ang ngisi sa paginom ng tubig


"Umamin na ko, dre" 


"Ps---" 


Muntikan ko ng madura ang iniinom ko dahil sa confession nyang 'yon.


Takte! Binabawi ko ng mabagal sya hahaha!


Sinamaan nya ako ng tingin kaya nilunok ko ulit yung muntikan ko ng madura na tubig.


Umayos ako ng pagkakaupo at umubo pa ng kunyare para makapag tanong.


"Oh eh anong sabi nya?" I asked curiously


"Masha, can I court you?" 


Napatingin kami sa nag salitang si Philip. 


Shit!


Napatingin ako kay Hope na nakatingin kay Masha.


Hindi ko mabasa yung itsura ng bestfriend ko. Parang natatae, na tubol ba.


"Tsk, kuha lang ako ng tubig" paalam nya saakin


Kinuha nya muna ang tumbler nya sa bag nya habang sina Masha at Philip ay may paghawak hawak pa ng kamay at nag didialouge pa itong si Philip.


"I really, really like you. Wala namang iba eh. Please forgive me for not texting, calling or even chatting you. I gave my phone to someone who's more in need of it."


Nilingon ko ulit si Hope ngunit nakita kong palabas na sya ng studio.


Hala! Magpapasabay pa naman sana ako ng kuha!


Napakamot ako sa ulo bago tumayo mula sa pagkakaupo at tinawag sya.

Melodies of Unconditional LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon