Masha's POV
"Hope!?" sigaw ko sa harap ng pinto ng kwarto nya
Tinignan ko ang oras sa phone ko.
2:30p.m na!
"Ano ba!? Lalabas ka ba d'yan o hindi!?" katok ko pa sa pinto nya
Nandito ako ngayon sa bahay ni Hope para sunduin sya. Binilin kasi saakin ni Ester kahapon na h'wag na daw pakawalan itong si Hopya at baka hindi parin pumasok ngayon.
At nandito ako kanina pang ala una!
Malalate kami nito eh!
Kakatok pa sana ulit ako nang magbukas na ang pinto kaya naiwan ang kamay ko sa ere.
"Oh? Ano yan? Apir?" turo nya sa kamay ko
Inamba ko ng suntok sakanya ang kamay kong naiwan sa ere.
Umilag sya dahil sa amba ko at tumawa.
"Eto naman! Napaka HB! Tara na nga!" hila nya sa kamay ko pababa
Kinuha nya ang helmet sa may counter bar ng kusina nila gamit ang isang kamay.
"Alis na po ako!" sigaw nya para makapag paalam sa mga kasambahay nila
Hila hila nya parin ako papunta sa garahe-an ng bahay nila at pabalag na hinarap sa motor nya.
"A-aray! Ano ba ha!" sigaw ko sakanya
"Araw araw ka nalang nasigaw, Masha. Hindi ka ba naririndi?" alog nya pa sa tenga nya
Natawa naman ako sa reaksyon nya dahil parang binging bingi na talaga sya.
"Suotin mo na 'yang helmet at lumabas kana doon." senyas nya sa labas ng gate nila
Kinuha ko ang helmet na inaabot nya saakin bago lumabas ng gate at nagantay sakanya.
Nang nasa harapan ko na sya ay tyaka ko lang sinuot ang helmet at sumakay sakanya.
"Nakalibre ka ng pamasahe ngayon ah" sabi nya ng makasakay ako
Buti pala hindi ako nakauniform
"Aba dapat lang! Sinundo pa kita eh!"
BINABASA MO ANG
Melodies of Unconditional Love
FanfictionPag-ibig sa Musika? Musikang may pag-ibig? Pag-ibig at Musika? Musika ng pag-ibig.