Pang-Pito

19 3 0
                                    


Makatapos nyang bumanat ng ganoon saakin ay pwede na kong mamatay.


HAHAHAH eme lang, hindi pa nga kami kinakasal e


Ayon nga, makatapos nyang sabihin yon ay pumasok na din naman kame at wala namang kaming ibang pupuntahan pa. Kaya ito ako ngayon ngingiti ngiting naglalakad sa hallway papunta sa room namin.


"Una kana sa room, Masha. May tatawagan lang ako." nakangiting tingin sakin ni Philip


Tumango lamang ako at hindi na nagtanong pa. Kasi ngaaa... tulad ng sabi nya. Sasabihin nya din naman saakin yon sa mga susunod pa naming date.


"Hello bespren!" sigaw ko mula sa pinto ng room kahit na nasa dulo pa ng classroom si Irish


Nakangiti akong tumakbo papunta sakanya at malakas agad syang pinalo pagkalapit.


"A-aray! Ano ba!?" singhal nito saakin

"OA ha! Hindi naman malakas yon ah!" ngisi ko pa sakanya

Umupo ako sa tabi nya bago inayos ang bag at humarap sakanya.

"Saya mo ata ngayon sis. Parang kagabi lang lungkot mo ah" 

"Syempre! Kasi nagdate kami ngayon ni Philip. And wait, SINUNDO nya pa ko te!" 

  "WHAT ?!" gulat na gulat nyang tanong may palingon pa

"Ay, takang taka te?" nakangiwing sagot ko sakanya

Inayos nya ang sarili nya mula sa pagkakagulat bago lumingon sakin at mahinang nagsalita

"Pero diba te, ditch ka nya kahapon?"

"Kahapon yun, bumawi naman sya ngayon HAHAHA. Feeling ko nga ay liligawan nya nako" kinikilig ko pang kwento sakanya

"Oh? Assuming mo talaga, Masha" tawa nya pa saakin


Tinawanan ko nalang din sya at hindi na sinagot kasi alam kong hindi nya naman ako paniniwalaan.


Duh! Sa gandang kong 'to? Dapat hindi kana magtakang liligawan ako ng gwapong si Philip no!


Natawa nalang ako sa isip ko at saktong pag tingin ko sa pinto ng room ay pagpasok naman ni Hope.


May kasalanan nga pala sakin'to


Dali dali akong tumayo at sinalubong sya ng sakal gamit ang mga braso ko.


"Hoy!? Anong pinagsasabi mo kanina ha!" sakal sakal kong sigaw sakanya


Pero nagulat ako nung wala man lang syang reaksyon sa ginawa at sinabe ko. Sobrang tamlay lang nya. 

Hindi nya ko sinagot o hindi nya man lang din ako inasar pabalik. Matamlay nya lang inalis yung braso ko sa leeg nya bago nag patuloy sa paglalakad at umupo sa pwesto nya. Kaya ako naiwan sa may harapan.


Anong nangyari don?


Nagkibit balikat nalang ako at tumabi sa pwesto nya tutal ay wala pa man si Ester. 

Melodies of Unconditional LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon