Dumaan ang Sabado at Linggong wala paring paramdam saamin si Hope. Kaya ngayon eto ako at nakahilata parin sa higaan.
Parang tinatamad na din tuloy akong pumasok!
"Hoy, Masha! Alas nuebe na! Anong oras pasok mo ha?" pamewang ni ate sa gilid ng kama ko
"Ala una pa te! Isang subject lang klase ko ngayon. Wala daw yung isang prof e" walang gana kong paliwanag sakanya
"Ahh. Osige, kumain kana lang doon at may tanghalian na naman. Iidlip muna ako at mamaya ay duduty na naman ako"
Hindi na ko sumagot sakanya at tumango nalamang. Naramdaman ko nalang ang pagsara ng pinto senyales na nakalabas na sya ng kwarto.
Tumihaya ako sa pagkakahiga at napabuntong hininga.
Ano ba kasing nangyayare sayo Hope?
Kinuha ko ang cellphone ko at muling nag gawa ng mensahe para kay Hope.
Macey Isha Cruz: Hope? Kamusta kana? Bakit hindi ka napasok?
Makasend ko ng message ko ay nagbackread pa ako sa previous chats ko sakanya last week.
Monday 12:30p.m
Macey Isha Cruz: Hoy! Bakit hindi ka pumasok ha!? Cutting ka no?
Tuesday 4:50p.m.
Macey Isha Cruz: San ka, Hope? Libre mo ko pamasahe huhu
Wednesday 10:02a.m
Macey Isha Cruz: Nasa bahay si Philip. Mainggit ka! May lovelife ako, ikaw wala bleh! :P
Thursday 11:13a.m.
Macey Isha Cruz: Hope? Okay kalang ba? Bakit hindi ka napasok?
Friday 6:33p.m
Macey Isha Cruz: Hoy, Hopya! May practice tayo! Attend-attend ka naman ng meeting! Hindi kami makapag simula ng practice eh!
Saturday 8:10a.m
Macey Isha Cruz: Goodmorning, Hope! May gala kami ngayon ni Philip. Feeling ko kasi malungkot ka. Gusto mo sama namin kayo ni Joy? Para double date hihi
Lahat message ko ay shaded ang check sa gilid kaya sure akong delivered iyon at nagnonotif sakanya.
Kahit manlang i-seen hindi nagawa!
Napasimangot ako lalo sa naisip ko at pabagsak na itinabi ang phone ko sa gilid ng kama ko nang biglang may nagnotif dito.
BINABASA MO ANG
Melodies of Unconditional Love
FanfictionPag-ibig sa Musika? Musikang may pag-ibig? Pag-ibig at Musika? Musika ng pag-ibig.