Kanina pa ako nandito sa cr at nagbibihis ng kanina kong damit.
"Sis, ano? May balak kapa ba dyan lumabas? Naka ilang balik na si Hopya dito" katok ulit sakin ni Irish
Bakit ba kasi ako pumayag? Ngayon tuloy nahihiya ako!
"Eto na! Lalabas na!" walang choice kong sagot
Nagkakamot ako ng ulo nang lumabas ako ng cr.
Nakakrus ang braso ni Irish ng madatnan kong nagaantay sakin wa kama nya.
"Care to explain bakit si Hopya ang nagaantay sayo?"
Padabog kong binalik ang mga gamit na hiniram ko sakanya.
"Te, hindi ko din alam. Pagbaba ko sya na sumalubong!" busangot kong sagot
"Asan ba si Philip--"
*TOK TOK*
Napatigil sa pagtatanong si Irish dahil sa pagkatok.
"Si Hope nayan. Be ready na" siring nito sakin
Wala akong nagawa kundi magayos ng buhok at magpolbo at liptint ng kaunti bago kinuha ang bag ko.
No choice, napa-oo na ko eh!
"Tapos na ba si Masha?" boses galing sa pinto ng kwarto ni Irish
"Oo Hope, wait lang" plastik na ngiti ni Irish sakanya
Nagpapapadyak akong pumunta sa pinto para harapin sya.
"Tara na"
Hindi ko na sya inantay sumagot ay bumaba na ko at lumabas ng bahay nila Irish.
Shet, nakalimutan ko magpaalam kay Irish!
Dali dali kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ng akin shorts bago nag punta sa messages
To:Bestie
Salamat be, hindi na ko nakapag paalam. Sorry! Alis na ko mwaa
"Hoy"
"Ay pusang kalabaw"
Muntikan ko na mabitawan ang cellphone ko dahil sa gulat kay Hope.
"Ano ba 'yon? Parang tanga e" bwisit kong tanong sakanya
"Alam mo kung ayaw mo kong kasama, sabihin mo nalang. Hindi yung ganyan ka. Nakabusangot. Nagmamagandang loob lang naman ako"
Dere-deretso sya sa motor nya at walang lingon lingo saakin habang inaalis ang stand nito.
Nangonsensya pa
Pero sabagay, wala naman syang kasalanan. Nag offer lang naman sya. Pumayag ako, so technically hindi ko dapat sya sinusungitan.
"Okay, fine. Sorry. Naiinis lang ako kay Philip"
"May gusto kaba sakanya?" ngiting tanong nya
Nilagyan nya ulit ng stand ang motor nya bago humarap sakin at sumandal dito.
Nakangiti syang nagtanong pero iba yung mata nya.
"Huy, tinatanong kita"
"Wala ah!" mabilisan kong sagot
Tumawa ito at inayos ang cap nya bago sumakay sa motor nya at inistart ito.
"Ano? Sasama kapa ba? Mag mimidnight na?" tanong nya
BINABASA MO ANG
Melodies of Unconditional Love
FanfictionPag-ibig sa Musika? Musikang may pag-ibig? Pag-ibig at Musika? Musika ng pag-ibig.