Naalimpungatan ako nang sunod-sunod na tumunog ang ring ng cellphone at kalampag ng pintuan ng kwarto ko. Akala ko panaginip lang kaya bumalik ako sa pagtulog pero nabuksan ata ito ng kung sinuman dahil may humampas sa aking balikat at pagbukas ko sa aking mga mata ay sumalubong sa akin si kuya.
"Gising, Rhys! Kanina pa kita tinatawag, bruha ka."
"Anuba! Mamaya pa 1 PM klase ko, kuya parang awa mo na matutulog pa po ako!" Hinila ko ang kumot pataas sa balikat ko at pumikit pero hinampas ako ni kuya sa pwet at nawala na lang ng parang bula ang antok ko.
Napasapo ako sa pwet ko at saka niya naman ako hinila patayo. Grabe may lakas pa pala siya matapos pumayat para lang sumali sa beauty pageant. Yes, my kuya is gay but he is not a transgender, he still looks like a man with muscles. Wala nga lang siyang abs kaya nagpapapayat siya pero ayaw naman mag-exercise edi waley pa rin.
"Tayo na, bruha. Si Grace namulto daw!"
"What?" Napakamot ako sa ulo dahil sa sinabi niya. First I don't believe in ghosts and second, ang aga pa. Nakikita kong madilim pa sa labas nang hawiin ko ang kurtina ng clear sliding window ko na kung nasaan din ang study table ko.
"I mean, shunga naman kasi nito na ano—"
Napatalon kami ni kuya sa gulat nang pumasok si Papa na nakapantulog pa. Balisa siya at may namumuong pawis sa noo niya.
Teka lang ah, anong oras na ba?
"Rhys, nasa labas si Grace. Dito muna siya matutulog dahil may pumasok na magnanakaw sa boarding house niya." Napaamang ang labi ko at agad nilisan ang kwarto. Nadatnan ko si Grace na nakaupo sa living room. Katulad namin ay nakapantulog din siya.
Naawa kaagad ako sa kaniya nang makitang pulang-pula ang kaniyang mga mata at basang-basa ang kaniyang pisngi. Kaagad ko siyang sinalubong ng mahigpit na yakap. Napahagulhol naman siya sa balikat ko at hinimas himas ko ang likod niya.
I won't ask what the hell happened or how did it happened. I just want her to feel safe.
"Rhys, sorry ikaw lang ang naisip kong malapit na bahay. I was scared." Hindi pa siya matapos umiyak nang magsalita naman siya.
"Shh. I think you should take a glass of water before sleeping."
Naramdaman ko siyang umiling-iling at napahigpit ang kaniyang yakap. Napatingala ako nang sumunod pala sa akin sila Papa at kuya na andito sa sofa namin umupo rin.
"Hinatid siya rito ng mga polisya, anak," anas ni Papa at sa kaniyang likuran niya naman ay aming dining room at nandoon nakadikit sa dingding ang wall clock na nagsasabing 4 AM pa.
"Rhys, nakakatakot siya." Patuloy pa rin ang hagulhol niya habang sila kuya naman ay nagbibigay advice sa kaniya at tumalima rin sa kusina si papa at pinainom siya ng tubig.
Nang medyo kumalma na si Grace ay magkatabi kaming nakaupo sa sofa habang nasa harapan naman namin sila Papa. Halata ang panginginig niya sa takot at sa awa ng Diyos wala naman siyang natamong sugat.
Hinawakan ko ang nanginginig niyang mga kamay at sobrang lamig pa ng mga ito. Nang magtama ang aming mga mata ay may tumulo na namang luha rito.
"H—hindi ko lubos maisip na makakapasok yung lalaki sa kwarto ko. Punyeta naman kasi bakit pa umuwi yung dalawang roomate ko ayan tuloy—" Humikbi siya saka pinunasan ang magkabilang pisngi gamit ang kaniyang palad.
"Do you want to talk about it?" suhestyon ko. Para maibsan ang takot sa kaniyang damdamin ay sumangayon na lamang akong pakinggan siya.
"Natutulog lang ako ng mga oras na iyon nang maalampungatan ako. Sa may paanan ko ay may naaninag akong anino... k—kala ko roomate ko lang na bumalik pero nang tawagin ko ay hindi man lang umimik kaya bumalik na lang ako sa pagtulog..."
BINABASA MO ANG
The Guy I Called My First Love
Mystery / ThrillerIn the quest for her ideal partner, Aaubrhys Rodriguez longed for a boyfriend who embodied perfection in every aspect - wealth, intelligence, charm, kindness, and gentlemanly demeanor. When Neo entered her life, she believed she had found the epitom...