Chapter 08

11 2 0
                                    

Halos hindi ko maaninag ang taong nakatayo sa harapan ko dahil sa mga nabubuong luha sa mga mata ko. Ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko.

Naririnig ko naman ng maayos ang salitang lumalabas sa bibig niya pero bakit hindi ko maibuka ang aking bibig. Nais kong sabihin sa kaniya na tulungan niya ako pero nakaluhod na lamang siya sa harapan ko ay hindi ko pa rin mailabas ito.

Tumulo ng sunod-sunod ang mga luha sa mga mata ko at kitang-kita ko kung paano ang nagbabahalang mga mata niya ay napalitan ng kalma. Na para bang wala akong nagawang masama at magiging maayos din ang lahat.

"Anak, si mama ang tumulak sa kaniya. Huwag ka nang umiyak." Hinila niya ako para sa mahigpit na yakap.

Hindi ko alam kung bakit mas lumakas ang pag-iyak ko sa oras na iyon at kung paano hilahin si Mama ng isang babaeng kaedad lamang niya.

Katulad kong umiiyak din ang babae habang pinagsasampal-sampal at tinulak-tulak si Mama. Kahit nais kong magsalita at awatin sila ay nakatuod lamang aki sa aking kinatatayuan.

Nais kong sumigaw at yakapin si Mama pero hindi ko magawa.

Hindi rin nakatakas sa akin ang pangungutyang titig ng iilang mga tao sa akin pati na kay Mama. Nakakatakot ang kanilang paraan ng pagtingin.

Dahan-dahan silang lumapit sa akin at nanginginig ang aking nga tuhod na sa wakas naigalaw ko na ang aking mumunting binti paatras.

May naglalarong mga ngisi sa kanilang labi habang palapit sila ng palapit sa akin. Sumisikip ang aking dibdib sa takot at gamit ang nanginginig kong labi ay inaawat ko sila. Pero hindi sila nakikinig sa akin.

Natatakpan na rin nila si Mama na sinasaktan ng babae sa harapan ko at mas dumami pa ata ang mga tao na pinapalibutan ako. Mapa-babae man, lalaki o bata ay nandito pinapalibutan nila ako.

"Deserve mong mamatay!"

Tinakpan ko ang aking dalawang tainga sa matinis na sigaw na iyon na mula sa mga taong nakapalibot sa akin. Ang kanilang mga mata ay mistulang naging puti lahat at may dugo na dahan-dahang tumutulo mula sa kanilang mga noo.

Malalapot at mapupulang mga dugo.

"Ma!" Naisigaw ko sa takot at napapikit ng mga mata.

Napabalikwas ako nang bangon nang umalingawngaw ang tunog ng alarm clock sa buong kwarto ko. I scanned my gaze in the whole room to make sure I am safe. I am still in my PJ's which is a good thing that what I saw was in my subconscious and it wasn't real. 

Halos hindi ko na mahabol ang aking hininga kaya dali-dali akong lumabas ng kwarto at tumungo sa kusina upang uminom ng tubig. Nagtataka ang mga mata ni kuya habang sinusundan niya ako ng tingin pero wala akong oras para sagutin ang mga tanong ni Papa. Naka-apron pa siya hawak-hawak ang spatula na mukhang nagluluto ng itlog.

Napasalampak ako ng upo sa sofa saka napabuntong-hininga. Mukhang maayos na naman ang aking paghinga pero nanginginig pa rin ang aking mga binti na akala ko'y madadapa ako sa kusina. 

"Rhys, ayos ka lang ba, anak?" Napaupo si papa sa sofa na kaharap ko rin. Napaiwas ako sa mga nag-alala niyang mga mata at napadapo ang tingin ko kay kuya. 

"Binabangungot ka ba? May nangyari bang masama sa outing niyo ni Neo?" Sunod-sunod niyang tanong pero iling lang yung naisagot ko.

Wala namang nangyaring masama. Inuwi nga ako ni Neo rito kaninang 5 AM dahil may klase pa kami at baka mag-alala si Papa sa akin kahit natawagan ko na siya sa landline namin. Natulog din ako sa sasakyan niya at dumiretso rin siya ng uwi sa apartment niya kahit 2 hours lang yung tulog niya.

Ito na ata yung pinakamapagod naming pamamasyal ni Neo. Tapos na naman yung monthsary namin at nag-picnic lang kami sa field ng school dahil hectic yung schedule niya. Nakakatawa pa nga iyon dahil may nag-photograph sa amin para raw sa school paper namin. Ewan ko na lang sa kanila at kami pa ni Neo ang kanilang e-fe-featured. Nakakahiya na, nakaka-enjoy din. 

The Guy I Called My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon