Maaga akong nagising kinabukasan dahil sa tawanan at daldalan sa salas na mas pumukaw pa ng antok ko kahit nanginginig pa ako sa lamig. Dahil hindi ko rin makayanan ang ingay sa labas ng kwarto ni Grace na ginamit kong kwarto muna kagabi ay dumiretso akong kusina, upang kahit papano ay magkape at maibsan ang lamig na nararamdaman ko.
Kagaya kagabi ay may nagkakalat na mga bote ng inumin sa sahig at may natumba pang iilang plastik na kulay puting upuan. Nabibilang ko lang din ang bisita sa salas na kausap ni Papa at Tita na halatang-halata sa mukha nila ang pagod. Umiwas na lamang ako ng tingin dahil hindi ko kayang pagmasdan ang nangingitim sa ilalim ng mga mata ni Papa.
Nadapo ang paningin ko sa kulay asul na tarpoline na nasa gitna ng sala nakadikit sa dingding at ang malapad na ngiti ni Grace. Sa baba naman nito ay ang malamig niyang kabaong. Para bang nakatitig din siya sa mga mata ko kahit sobrang labo dahil nakapikit siya ngayon. Kahit nakita ko na ito kagabi ay hindi pa rin ako sanay at tila napakaduwag ko.
Hindi ko man lang kayang tanggapin na wala na si Grace sa mundong ito. Kahit titigan man lang ang walang-buhay niyang katawan sa loob ng kabaong ay nanginginig ako sa kaba at hindi ko magawa.
Sa huli ay nagtimpla ako ng kape sa kusina at saktong umiinom din ng kape sa kuya, nakaupo sa stool kaharap ang island counter. Hindi niya ako napansin nang pumasok ako pero nang inilapag ko ang mug sa harapan niya ay saka pa siya nagtaas ng tingin at binati ako ng good morning.
Bagong ligo lang pala siya dahil sa aliwalas niyang mukha at ibang-iba ang awra niya ngayon kaysa kagabi na kung saan nagkasagutan kami at nasampal niya pa ako ng wala sa oras. But we already made up before going to bed because we do not want to add gas to the flame.
It was inconsiderate for me too. Iniisip ko lang ang sarili ko at hindi ko na namalayan na may mga tao rin sa paligid ko ang tahimik na lumalaban.
I thought I already moved on with the past, but it looks like Grace's death triggered it that it made me look back once again. Now I kinda felt it is all my fault why Grace died. I think this is because of my karma.
"Shit, Rhys!" Napukaw ang atensyon ko sa malutong na mura ni kuya nang pigilan niya ang kamay kong binubuhos ang mainit na tubig mula sa Thermos. Nabalik lang ako sa kasalukuyan nang dumampi sa aking mga kamay ang mainit nitong tubig.
Nabitawan ko ito pero buti na lang nasalo ni kuya at kaagad akong tumalikod at binuksan ang gripo sa sink at kahit papaano ay nawala rin ang sakit sa mga kamay ko dahil sa katangahan. Matapos kong mahugasan ang mga ito at maisarado ang gripo sa sink ay napatawa si kuya sa akin at ganoon na lang din ang nagawa ko sa sarili.
"Ang lalim naman ata ng iniisip mo at nasaktan mo pa ang sarili mo," komento ni kuya.
Nagkibitbalikat na lamang ako sa kaniya at saka pinagtuunan ng pansin ang kape na halos umapaw na ang tubig sa mug.
***
THIRD PERSON'S POV.
Tahimik ang buong sulok ng kwarto habang paikot-ikot ang may katandaang lalaki at pinagmamasdan ang kaniyang mga studyante. May tangkad siyang 5'11 at may katandaan na dahil sa paunti-unting paglitaw ng kulubot niya sa braso at lalong-lalo na sa mukha. Pero kung pagbabasehan pa rin sa tindig niya ay isa siyang respetadong guro sa panahon niya.
Kasalukuyang nagsasagot ang kaniyang mga studyante ng problem na binigay niya sa subject niyang Chemistry. Wala kang maririnig na usapan o bulungan man lang kundi puro pagtitipa sa calculator ang namamayani sa classroom.
Ngunit may naiiba sa mga studyante at lingid sa kaalaman ng guro, sa pinakalikurang bahagi ng classroom ay tahimik lamang na komokopya ang binatang magulo ang buhok at mukhang kakagising lamang. Binabantayan niya ang bawat kilos at mga mata ng kanilang guro na baka mahuli siya pero mabilis din ang kaniyang mga kamay na kinokopya ang sagot ng kaniyang kaibigan na siyang top 1 sa kanilang section.
BINABASA MO ANG
The Guy I Called My First Love
Mystery / ThrillerIn the quest for her ideal partner, Aaubrhys Rodriguez longed for a boyfriend who embodied perfection in every aspect - wealth, intelligence, charm, kindness, and gentlemanly demeanor. When Neo entered her life, she believed she had found the epitom...