Napaisip din ako sa sinabi ni Grace kung killer ba yung nanloob na lalaki sa boarding house nila. Nakakakilabot naman isipin na may killer nga sa lugar na ito. Interesado rin akong malaman kung anong magiging reaksyon ng mga studyante rito. Kung may iba bang titigil sa pag-aaral o matakot sa killer o hindi kaya ay walang pakialam dahil mas importante ang maka-graduate ng kanilang inaasam na degree. Mukhang pinaka-realistic yung pinakauna kaysa sa pinakahuli.
Habang tinatahak ko ang daan papunta sa apartment ni Neo ay may iilan ding mga studyante na kagaya ko. May ibang katulad ko ng direksyon at may iba ring sa opposite. May grupo rin ng mga studyante na nagku-kwentuhan at nag-aasaran, naalala ko tuloy na ganiyan din kaming magkakaibigan. Inasar pa nga nila akong ako raw ang unang magkakajowa sa aming lima kahit hindi ako nanininiwala sa love-love na iyan. Well I guess they were true. And now I fell head over heels with Neo.
Nang makapasok sa front door ay buti na lang bumukas agad yung elevator at walang tao pero may naghihintay din sa labas na lalaking naka-jogging pants na grey. Nasa hulihan niya ako pagpasok ko sa elevator.
Pipindutin ko na sana yung number 3 nang unahan niya ako kaya napangiti na lamang ako kay kuya. Medyo nanatili pa nga ng halos 3 seconds yung tititg niya bago umiwas. Ewan ko kung shock lang talaga siya o may sasabihin ata si kuya.
The elevator started to move and because of that I feel a little bit dizzy but I can manage it. Napansin ko sa reflection ng pintuan ng elevator na nakatitig yung lalaki sa akin at hindi ko na napigilan pang lumingon sa kaniya dahil nawi-wirdohan na talaga ako ay saka naman siya nagsalita.
"Hi. Bibisitahin mo ba yung boyfriend mong si Neo? Hehe." Napakamot siya ng kaniyang batok. Naguguluhan akong napatango-tango.
Mas lumawak pa yung ngiti niya kaya napangiti na rin ako. Mukhang hindi pala siya wirdo, eh. Mahiyain lang.
"Katabi niya ako ng unit. Actually-" He paused. Huminto ang elevator sa second floor at may pumasok saka sumarado ulit. Nasa unahan lang namin yung bagong sakay at nasa tabi ko naman yung si kuyang nagtanong.
He forced a thin smile. "Hehe just asking if this is your first time in here..." Umiwas siya ng tingin at tumawa ng mahina. "I just wanted to ask that. Sorry kung hindi pwede." Agad siyang humingi ng despensa kahit hindi naman masama.
"Hindi, ayos lang." I reached for his arms to console him. First impression ko sa kaniya ay mukha siyang matanda sa akin pero ngayong nagsasalita siya ay mukhang mas bata pa siya sa akin.
Mas matangkad nga lang siya sa akin ng ilang inches pero hindi kasing tangkad ni Neo. May malapad din siyang balikat na halata sa suot niyang fitted na white shirt. At kung pagmamasdan sa kaniyang outfit ay mukhang galing siyang exercise sa labas.
Mukhang mabait naman siyang tao.
Sa wakas nakarating na kami sa floor namin at nag initiate pa ako ng fist bump sa kaniya na siyang tinanggap niya naman. See hindi niya ako inisnob kundi mabait si kuya.
Talagang magkatabi lang sila ng unit ni Neo!
Before siya pumasok sa unit niya ay ngumiti siya sa direksyon ko.
Nadatnan ko si Neo na umiinom ng tubig sa kusina at pagkakita niya sa akin ay kaagad niya akong sinalubong ng isang mahigpit na yakap.
Napasubsob tuloy yung mukha ko sa dibdib niya at nakapulupot ang malalaking braso niya sa bewang ko. Halos hindi na ako makahinga sa paraan ng pagkakayakap niya ng tapikin ko ang likod niya para awatin.
Buti na lang bago pa mahuli ang lahat at mawalan ako ng hininga ay umawat na siya at humingi ng tawad.
Inabot ko ang sa tuktok ng ulo niya at bahagyang ginulo ang kaniyang buhok. "So you missed me that much. Enough to strangle me," I joked.
BINABASA MO ANG
The Guy I Called My First Love
Mystery / ThrillerIn the quest for her ideal partner, Aaubrhys Rodriguez longed for a boyfriend who embodied perfection in every aspect - wealth, intelligence, charm, kindness, and gentlemanly demeanor. When Neo entered her life, she believed she had found the epitom...